Update 3

9.8K 187 52
                                    

Dedicated to crazygirlshara! Thank you for the support! Love love ♥

 

 

Mandy and Jules here------>

 

Enjoy this update!

 

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

 

Mandy's POV 

 

Tapos na ang klase namin. Sa wakas! Antok na antok na kasi ako kanina pa. Ang boring naman kasi. 

"BF, mauuna na ako sayo ah. Pinapauwi kasi ako ng maaga ni ate eh. Nagpapabili pa nga ng cake. Ewan ko dun. Sige na ah. Bye." Sabi ko kay Trina. Nagbeso-beso kami at lumabas na ako ng classroom.

Nasa lobby na ako ng university ng may biglang nagsalita. Ang lakas ng boses.

"HELLO SA MAGANDANG BABAENG NAKA-PULA."

Ha? Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang ibang nakapula maliban sa akin. Hindi naman sa pagiging feelingera, pero lumingon ako. Eh maganda raw eh.

Paglingon ko, nakita ko si Jules na abot-tenga ang ngiti sa akin. Hala! Nasisilaw ako! Napakaliwanag. Kumikinang si Jules! Myghed! Bakit ang gwapo-gwapo niya? Yung ngiti niya, nakaka-inlove! Pwede na siya sa commercial ng toothpaste!

  

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Dahan-dahan din akong lumapit sa kanya. Nang magkatagpo kami, biglang may sumulpot na isang rosas sa harap namin sabay sabi niya ng "For you.." Ang sexy ng pagkasabi niya ng for you!

"Ah. Thanks." Tinanggap ko ang rose na binigay niya. Napansin kong ang dami ng nakatingin sa amin. May mga babae pang kinikilig. Mainggit kayo.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Ah oo. Pero dadaan muna ako sa mall. Bibili ako ng cake para kay ate." Sagot ko habang inaamoy-amoy yung rose.

"Samahan na kita."

"Ha? Ano, huwag na. Nakakahiya naman sayo." Iwini-wave ko pa ang dalawang kamay ko.

"I insist. Tara na?" He offered his hand. Parang nung kanina lang din. At gaya rin nung kanina, pinatong ko ang kamay ko and he held it tight. >////< Kinikilig na ako!

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon