Update 10.1

8.3K 128 34
                                    

Dedicated to iceteacream. Nainspire ako ng bongga sa comment niya!  <3

Enjoy!

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Mandy's POV

"We'll see." Sagot niya at nagsimula na siyang mag-drive.

Psh. We'll see? Saang lupalop naman ng Pilipinas matatagpuan yun? Tsss. Nakakainis talaga itong lalaking 'to.

"For sure magugustuhan mo yung lugar na pupuntahan natin." Nakangiti pa na sabi niya.

"K." Nanatili pa rin ang tingin ko sa daan. Psh. Huwag na nga niya akong kausapin! Kitang mainit ang ulo ko eh.

Tumawa lang siya at saka nagpatuloy lang sa pagda-drive. Kung ako dito eh halos sasabog na ang ulo ko dahil sa tindi ng inis ko sa kanya, eh etong mayabang na katabi ko eh pangiti-ngiti lang. Baliw lang eh. Naiinis tuloy ako lalo.

Kinuha ko sa bag ko ang iPhone ko at si Frogilita (yung isa sa mga earphones ko na frog ang design) at saka nakinig ako ng music. Makatulog na nga lang.

zZzzZZzZZ

Charles' POV

Napansin kong nakapikit na itong katabi ko. Mukhang nakatulog na yata dahil sa inis niya sa akin. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Napakaamo ng mukha niya habang tulog. Hindi mo aakalaing may pagka-tigre pala siya. Natawa ako sa naisip ko. Ibang klase talaga.

Make her fall in love with you..

Make her fall in love with you..

Make her fall in love with you..

*dug dug. dug dug. dug dug*

O__O

*screeeech!!!*

Bigla akong napa-preno. Tiningnan ko si Mandy kung okay lang siya. Tulog pa rin siya. Buti na lang naka-seatbelt siya.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Aish! Si Maxene naman kasi, kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Tsk. Hindi, hindi. Huwag ko na nga lang isipin yun.

Pinaandar ko ulit ang sasakyan. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa pagda-drive. Baka mabangga pa kami dahil sa akin.

After almost an hour, nakarating na rin kami.

Niyugyog ko ng mahina si Mandy. "Mandy, wake up."

"Hmmmm... Asdfghjklqwertyuiop.." She murmured.

"Gising na. We're here." Tinapik-tapik ko na ang pisngi niya.

"Aissssssh...." Dahan-dahan naman niyang binuksan ang mga mata niya.

Mandy's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nakita ko ang isang napakagwapong mukha na sobrang lapit lang sa akin. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin. Napatitig ako sa napakaganda niyang mata. *o*

"Mandy, nandito na tayo." Sabi ni..... Charles yabang?

O_O

Agad-agad ko siyang naitulak palayo sa akin.

"Aray!" Sigaw niya. Napahawak siya sa braso niya. Mukhang natamaan yata sa manibela.

"BAKIT BA KASI NILALAPIT MO YANG MUKHA MO SA'KIN HA!" Singhal ko. Psh. Nandidiri tuloy ako sa naisip ko kanina. Napakagwapong mukha? EWW. Isang malaking EWW =__=

"Sorry, hindi ko sinasadya. I'm just waking you up. Ang sakit nun ah! Hindi ka ba magsosorry?" Hinihimas-himas niya pa rin ang kaliwang braso niya. Psh. =__=

"Psh. Palitan mo muna yang pangalan mo ng Sorry para masabi ko yun sayo! =__="

Tiningnan ko na lang kung nasaan na kami. Nandito kami sa isang.... simbahan?

"Sungit talaga. Tara, labas na tayo dito." Sabi niya at saka siya lumabas.

Inalis ko ang seatbelt ko saka lumabas na rin ako.

Nang makalabas na ako ng kotse, tiningnan ko ang kabuuan ng simbahan. Pati na rin ang paligid nito.

Napangiti ako. Wow, ang ganda. May kalakihan ang simbahang ito. Makikita mo sa itsura niya na ang tagal-tagal na nito. I'm very sure na makasaysayan ang simbahang ito.

"This is San Agustin Church. You liked it?" Tanong ni Charles yabang sa akin.

Tumango ako. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga ganitong klaseng tanawin. Ang ganda.. Ngayon lang ako nakapunta dito. Excited na akong pumasok sa loob. Nagsimula akong maglakad papunta sa entrance ng simbahan habang namamanghang nakatingin pa rin sa paligid.

Charles' POV

I saw her smile. It was my first time to see her genuinely smile.

"You liked it?" Tanong ko sa kanya.

She nodded and she started walking habang nakangiti pa rin.

Nanatili pa rin ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan siyang naglalakad siya papasok ng simbahan. Hindi ako maka-get over sa simpleng pagngiti niyang iyon. Maganda naman pala siya kapag nakangiti.

Aish! Stop it Charles. Kung ano-ano na lang naiisip ko. May girlfriend ka na, okay? Tssss.

Sinundan ko na lang siya.

Naisip kong sa simbahan siya dalhin dahil alam kong mapipigilan niya ang sarili niyang magsisigaw at mag-cuss. Alam niyo naman si Mandy, malaki ang galit nun sa akin. Siyempre, kapag nasa ganito kaming lugar, makakapag-usapan kami ng matino at mahinahon. I'M SO BRILLIANT.

Nakapasok na ako sa loob ng simbahan. Kakaunti lang ang mga tao na nandito ngayon. Nadatnan ko si Mandy na nakaupo sa isa sa mga benches. Nililibot pa rin niya ng tingin ang buong simbahan. She seemed to be amazed by this place. Ang ganda naman kasi ng interiors ng simbahang ito. Balak ko nga na dito magpakasal someday.

Umupo ako sa tabi niya. Pero may distance naman. Siguro isang meter stick din ang layo namin.

"Mandy."

She didn't respond. Psh. Hindi niya yata napansin na nandito na ako sa tabi niya.

"Mandy." Tawag ko ulit sa kanya.

Sumimangot uli siya at lumingon siya sa akin. "O.."

"Can we talk?"

"HINDI PA BA PAG-UUSAP ANG GINAGAWA NATIN?!" Sabi niya. Hindi yun simpleng sabi lang. Isa yung sigaw.

Nataranta ako. Napatingin kasi ang mga tao sa amin.

"Ssssh!" Sabi ko sabay lagay ng pointer finger ko sa nose ko gesturing her to keep quiet. "Nasa simbahan tayo. Nakatingin tuloy sa atin ang mga tao dito."

Tiningnan niya ang paligid niya sabay sabi ng "Sorry po."

Humarap ulit siya sa akin. "Bakit mo ba ako dinala dito?" Mahina na ang boses niya this time.

"To talk to you."

"Ano nga pag-uusapan natin?"

Napabuntong-hininga ako.

"Mandy, I don't want us to be like this forever." Sabi ko.

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Vote and comment na!

Slowding ♥

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon