Update 11

7.8K 130 49
                                    

Dedicated kay TheEmogirl03! Thank you so much sa support! Love love ♥

 

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Mandy's POV

  

"Tara na, uwi na tayo. Magdidilim na." Yaya ko sa kanya.

Nauna na akong pumasok sa loob ng kotse. Sumunod din naman siya.

"Let's go." Sabi niya saka niya pinaandar ang kotse at nagsimula na kaming bumiyahe.

Namayani lang ang katahimikan sa aming dalawa. Pero napapansin kong nakangiti pa rin si Yabang. Problema nito? Ganun ba talaga siya kasaya? Ang OA lang ah!

Tsk. Di ko na nga lang siya papansinin.

Masyadong tahimik. Magpatugtog muna ako ng music dito sa iPhone ko. Kinuha ko ang iPhone at earphones ko sa bag ko.

Isasaksak ko na sana ang earphones nang bigla akong pigilan ni Yabang.

"Sandali. Huwag ka namang madamot diyan. I-loudspeaker mo para marinig ko rin ang pinapakinggan mo."

"Tss. Hindi mo lang maiintindihan ang mga kantang pakikinggan ko no. Malay mo ba naman sa KPOP."

"Okay lang. Sige na." Lumingon siya sa akin, nagpout siya at nagpuppy eyes. Psh. Parang bata.

"Oo na! Ibalik mo nga yang tingin mo sa daan! Mababangga tayo niyan eh!" 

 Tumawa lang siya.

Tsk. Isip-bata talaga. Parang bakla. Bakit ba nagkagusto si Ate dito? Psh. Speaking of ate, ilang araw na rin siyang di tumatawag sa akin ah. Baka busy lang talaga. Siguro malala talaga ang problema nila doon. Tsk. Feeling ko tuloy useless ako masyado. Wala akong magawa para tulungan sila.

Now playing: Gee (Sa mga SONES jan.. Alam kong alam niyo ito! Hahaha)

Aha!

Listen Boy

My First Love Story

My Angel and My Girls

My sunshine

Oh! Oh! let's go!

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon