Update 49

5.1K 63 8
                                    

This would be the 2ND to the last update. Haays. Matatapos na talaga siya. Salamat po sa mga nagbabasa nito. :)

Maxene here ------>

X X X X X X X X X X X X X X X X X

Mandy's POV

"Tara, sa ferris wheel tayo." Sabi niya sa akin.

"Sige." Sabi ko.

Napansin kong sobrang tahimik niya. 

Siguro dahil tahimik lang din ako.

Di tuloy siya nag-eenjoy sa date namin.

Bigla tuloy akong nakonsensya. Ewan ko ba sa sarili ko. Gusto kong ipakita kay Jules na masaya ako kapag kasama ko siya. 

Pero hindi ko magawa.

Nang makapagbayad na kami ng ticket, pumwesto na kami sa loob ng ferris wheel. Umupo ako sa kaliwang upuan habang siya ay umupo sa tapat ko.

 At maya-maya'y nagsimula na itong umikot. 

"Jules," Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tumingin siya sa akin.

"Sorry. Mukhang hindi ka nag-eenjoy sa date natin dahil sa akin." 

Ngumiti ito. "Masaya ako. Makasama lang kita, masaya na ako.... kahit alam ko na hindi ka na masaya sa akin."

Natigilan ako.

"Jules,"

Pinilit niyang ngumiti. Pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

May kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya. Tapos may kinukulikot siya doon. Maya-maya, may pinatugtog siyang kanta.

If I should stay,

I will only be in your way.

So I'll go

But I know..

I'll think of you every step of the way..

And I will always love you...

Will always love you.... ♪

Pinapatugtog niya ang kantang I Will Always Love You ni Whitney Houston.

Saglit akong natigilan. Ina-absorb ko ang ibig sabihin ng kanta.

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kanya.

"Yan ang mga gusto kong sabihin sayo ngayon Mandy. Those are the exact words that I wanted to tell you." Malungkot na saad niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka pa rin at kinakabahan na tanong ko.

"If I stay, I will only be in your way." Sabi niya. Tila inulit lang yung lyrics ng kanta. 

"Hindi ko na kailangan pang sabihin ang dahilan Mandy. Because I know deep down inside you, alam mo ang dahilan." He continued.

"Jules.."

"You love Charles, don't you?" 

Naramdaman kong biglang tumigil ang ferris wheel. Nasa tuktok na kami.

Kasabay niyon, bigla rin akong natigilan. Natahimik.

Alam na pala niya. Hindi ko na pala naitago ang katotohanang iyon.

"May sasabihin ako sayo." Biglang sabi niya.

Tiningnan ko lang siya allowing him to continue what he was about to say.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon