Update 37

4.8K 74 15
                                    

Dedicated to another silent reader, littleyoongiekyliee. Thank you for reading! ^^


X X X X X X X X X X X X X X X X 

MANDY's POV

"BF! Nandito na tayo!" Narinig kong sabi ni Trina sabay alog-alog sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at agad na napatingin sa labas. Nakatulog pala ako sa biyahe mula sa airport hanggang dito sa resort kung saan kami mananatili ng dalawang araw. Isang van ang sinakyan namin.

"Ahh, nandito na pala tayo." Sabi ko sabay tanggal ng earphones sa mga tainga ko at nilagay iyon sa bag.

"Oo, nandito na tayo. Kakasabi ko lang diba?" Pagtataray niya. 

Inirapan ko naman siya. "Sungit mo naman. Sandali lang." Kinuha ko ang mga gamit ko at saka lumabas na kaming lahat ng van.

"Tara pasok na tayo!" Yaya ni ate.

At sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng resort. Naku! Naeexcite ako! Ang ganda kasi eh!

* * *

"Wow, ang ganda! *O* Naku! Excited na akong magswimming!!" Namamanghang usal ni Trina.

"Palawan is really a amazing place. So magnificent! Walang sinabi ang mga beaches doon sa Canada.  Babalik-balikan ko talaga ito." Sabi naman ni Mommy habang pinagmamasdan ang paligid.

"Oo nga no, di ako makapaniwala na may ganito pa rin kagandang lugar dito sa Pilipinas. Parang paraiso!" Ate Maxene

Lahat na siguro ng magagandang adjectives eh di kayang idescribe kung gaano kaganda itong pinuntahan namin. Grabe, sobrang asul na dagat, white sand, clear blue sky, fresh air, green trees, ang gaganda pa ng mga cottages, ang ganda! Feeling ko nga nagniningning ang mga mata naming lahat sa sobrang mangha!

"Woohoo! Andaming chicks dito tol." Narinig kong bulong ni Klein kay Calvin. Sus, bumulong pa siya eh rinig na rinig naman namin. 

"Langya, ang manyak mo! Bakit di mo ko gayahin? Good boy." Calvin

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon