Update 43

4.5K 58 10
                                    

Dedicated kay asdfghjklroch! Thank you for appreciating this story. Love love ♥

Sorry talaga kung medyo napatagal ang update. Tinatamad talaga ako, super! Ewan ko sa sarili ko. Psh.

O sige, basa na~ Si gwapong-gwapong Charles on the side! ♥u♥ ---->

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X 

Calvin's POV

Nakarating kami dito sa bahay ni Mandy sa loob lang ng 10 minutes. Salamat sa aking pinakamamahal na si Goddess na walang sawang kakasabi sa akin na bilisan ko raw ang pagdadrive. Langya talaga, natakot nga ako baka hulihin ako ng police dahil sa overspeeding.

Pagkababa ng kotse, agad sumugod sa gate si Goddess at sunud-sunod na nagdoorbell. 

Napailing na lang ako habang sumusunod sa kanya. Eto talaga, grabe ang pag-aalala sa BF niya. Hehe.

Si Maxene ang nagbukas ng gate.

"O, Trina, Calvin. Napadalaw kayo." Nakangiting bungad niya sa amin.

"Hi Ate Max, si Mandy?" Tanong ni Trina.

"Nasa kwarto niya. Tara, pasok kayo." 

Nang pumasok kami sa loob ng bahay, nadatnan namin si Charles sa sala.

"Pre, new look ka ah!" Sabi ko kay Charles.

"Hi Prince Charles! Bagong gupit ka ah. Bagay sayo. Mas lalo kang gumwapo." Sabi ni Trina. Tila kinikilig pa. Psh.

Natawa naman ito. "Salamat."

"Ehem," Sabi ko.

Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Eto naman, selos agad. Siyempre naman ikaw pa rin ang pinakagwapo no!"

Inakbayan ko siya. "Yan gusto ko sayo eh. Hehe.. Aray," Sapo ko yung brasong hinampas niya. Sakit ah.

"Kayo talaga, dito pa kayo nagpaka-cheesy. Gusto niyo ng juice?" Alok sa amin ni Maxene.

"Hindi na Ate Max. Pupuntahan ko muna si Mandy." Trina

"O sige. Guys, may gagawin muna ako ha. I'll be back. Please feel at home." Sabi ni Maxene sabay alis.

Ngumiti lang kami habang pinapanood siya na umaalis.

"Sweetiepie, puntahan ko muna si Mandy ah." Paalam ni Trina akin sabay halik sa pisngi.

"Okay." Nakangiti (at kinikilig) na sabi ko. Langya, ang sweet talaga namin!

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon