Chapter 8: Loyal. Brave. True.

1.8K 140 19
                                    

Brix


"Paano i-date ang mayaman?"

Napakurap si Margaux sa akin nang tanungin ko siya. Tumingin si Margaux sa mga nagtatawanan kong kaibigan bago nagtanong sa kanila.

"Okay lang ba si Brix?"

Mas lalong tumawa si Jaxx. Napabuntong hininga ako.

"Paano nga?"

"May date sila ni Mitch," panlalaglag ni Ryker.

"Hay, tangina—" tumatawang comment ni Drake.

Namaywang si Margaux sa harapan ko dahil sa sinabi ni Ryker. "Brix—" may pagbabanta na tawag niya sa akin.

"Hoy, serious ako."

"Bata pa si Mitch," pangaral ni Margaux.

"Hoy Margaux, ano akala mo sa akin, matanda?" balik ko sa kanya.

"Brix... mahal ko kayo," simula ni Margaux.

"And we love you too, pero baka magselos si Jaxx."

"But Mitch is a dear. Huwag mong isama sa listahan—"

"Walang listahan," mabilis na sagot ko.

"Ulol," sagot ni Margaux na ikinatawa na naman nila. "Ako pa ba ang lolokohin mo?"

Napabuntong hininga ako. "Si Jaxx nga nagbago eh," katwiran ko na ikinaikot ng mata ni Maragux.

"Hindi sumasama sa groupie si Jaxx," sabat ni Drake.

"Promise iba 'to."

Natawa na naman sila maliban kay Margaux na nakatitig sa akin.

"Iba talaga, Margaux," pangungumbinsi ko.

"Medyo matapobre ang tatay ni Mitch."

Kinapos ako ng hininga sa sinabi ni Margaux. "Kasing matapobre ng lola mo?" tanong ko na ikinatawa ng malakas ni Jaxx.

"May lalagpas pa ba ro'n?" natatawnag tanong ni Drake.

"Simple lang ang gusto naming mayayaman, Brix. Para kaming si Mulan— loyal, brave and true. Kung hindi mo kayang ibigay kay Mitch 'yon, huwag mo na lang siyang paasahin."

"Hindi mo kailangang magpanggap para ma-impress mo siya," ani ni Jaxx.

"Well, thanks guys. Aalis na ako para ako ang maghintay sa kanya."

Loyal. Brave. True.

Matapobre ang tatay.

Hay... hanggang saan ako aabutin ng kahibangan ko na ito?

I waited for her to arrive. Parang anghel si Mitch sa suot na puting dress. Nahiya naman ako sa suot kong jeans at t-shirt.

"Hi," nakangiting bati niya sa akin.

Some of the students are looking at us. Baka kilala nila si Mitch.

"Hi Brix," bati ng ilang student. Mitch rolled her eyes.

"Celebrity," tukso niya sa akin na ikinangiti ko. "Where to?"

"Saan mo ba gusto?" balik na tanong ko sa kanya.

"'Yong totoo, gusto lang kitang makasama," sagot niya at nagkibit balikat. "I even enjoy you playing guitar. Free concert."

Lihim akong nangiti. She's simple naman pala.

"Tara, I know a place dito."

Mabagal kaming naglakad ni Mitch papunta sa music instrument shop. Pinapakinggan ko siya sa kwento niya.

Ears and RhymesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang