CHAPTER 2- UAAP

2.9K 156 1
                                    

Brix


Nasa studio kami at imbes na magpractice ay kumakain kami ng chichirya habang nagsusulat ng kanta na puro simula pero hindi nagtutugma.

"Kailangan natin ng inspiration," wika ko sabay bato ng ballpen.

"Natahimik kami at tanging pagnguya namin ang naririnig sa studio nang mag-ingay ang cellphone ko.

"Si Blaze..."

"Sagutin mo," ani ni Jaxx.

"Conyobels, napatawag ka?" Nakaloud-speaker ako para marinig ng buong banda.

"Magkakasama ba kayo?" tanong ni Blaze.

"Miss mo na kami? 'Kaw kasi, nag-inarte ka pang kumalas sa banda."

Natawa ako kay Ryker. Hayop din mang-asar ang is ana ito.

"Gago. Kelan aalis si Jaxx nang mapalitan na?" biro ni Blaze. Kinuha ni Jaxx ang phone sa akin.

"Asa pa you," sagot ni Jaxx.

"Kupal, may chismis sa'yo ah." Kinuha ko ang phone ni Ryker at hinanap ko ang message ni Mia. Naririnig naming nagmumura si Blaze sa kabilang line na ikinatawa namin.

"Saan ninyo nabalitaan?" tanong ni Blaze.

"Kay Drake," sagot ni Ryker.

"Gago, hindi sa akin," sigaw ni Drake na nananahimik sa drumset niya.

"At dahil dyan, manonood kami ng UAAP," tumatawang wika ni Jaxx. Napamura na naman si Blaze na mas lalo naming ikinatawa.

"Pati sa UP gago, kalat yang paghahanap ninyo kay Sexylove..." Kinanta pa si Jaxx ang pangalan ni Sexylove. Nagtawanan na naman kami. Sino ba kasi 'yon?

"Hindi ninyo ba siya napansin no'ng concert? Feeling ko siya 'yon. 'Yong may hawak na digital banner sa harapan."

"Malala ka na. Kita tayo sa Sabado. Kalaban ka namin. Itinatakwil ka ng buong UP," sabat ni Ryker.

"Mga gago kayong kausap," napipikong sagot ni Blaze. Pinatayan niya kami ng tawag.

"Hayop na Blaze 'yon, ang landi," tumatawag wika ni Ryker.

"Hindi ba ninyo kilala 'yong babae?" usisa ko. Nanahimik si Jaxx na mukhang may alam. "Hoy, Jaxx."

"Hindi ko alam," sagot nito.


Mabilis lang lumipas ang Saturday. Sobrang dami ng tao sa Araneta, feeling ko dahil sa amin. Daming magaganda sa kabila... umiikot pa naman ang camera.

"Tangina, bago 'yang cheer ng Ateneo? Sosyal talaga ang mga tinamaan ng silver lining." Tawang-tawa ako kay Ryker, hayop sa comment. Bakit nga kasi Sexylove ang kinakanta nila? Napapasayaw tuloy ako.

Panay ikot ng camera sa Ateneo at nagfo-focus minsan kay Blaze.

"'Oy, Conyobels, 'andito na." Kinalabit ko si Ryker ngunit natigil ang kamay ko sa ere nang makita ko ang katabi niyang babae.

"Ang ganda..." comment ko.

"Medyo maputi siya ngayon, pero 'di ko type si Blaze," walang kwentang sagot ni Ryker.

"Tanga, 'yong katabi. Aanhin ko si Blaze?"

"Conyobels 'yan, pre. Dugo ilong mo d'yan, parang may mens lagi." Tawa kami nang tawa ni Ryker nang dumating si Jaxx na may kasama.

"Oh, walang magsasalita kay Conyobels," banta nito.

Sabi na, may alam si Jaxx.

"Promise," sagot namin ni Ryker. Nakipag-kamay kami sa babae na pinakilalang si Lovely.

"How Lovely is your name," biro ni Ryker.

Na-focus sa amin ang camera at itinuro ko iyon kay Lovely. Napatingin siya sa camera habang kami naman ay natatawa. Bakit feeling ko umuusok na ang tumbong ni Blaze?

"Lovely," tawag ni Jaxx sa babae. Tumingin si Lovely kay Jaxx. "Huwag kang aalis basta-basta ha."

"Yes, Kuya," sagot nito.

Napatingin si Jaxx sa phone niyang nag-iingay, he looked at it and cancel the call. Nakangisi siyang tumingin sa amin. Maya-maya ay tumunog na ang phone ko.

Si Blaze...

Nakafocus sa amin ang camera kaya alam ni Blaze na tinititigan ko lang ang cellphone ko habang tumatawag siya.

"'Wag mong sagutin," ani ni Ryker. Nagtatawanan kaming kumaway sa camera.

Sana bumalik ang camera sa Ateneo. Bakit kasi iba ang mga laking aircon? Pati buhok, hindi stress.

Dininig ang panalangin ko nang bumalik ang camerang ligaw sa Ateneo. Kahit na nakakasawa ang itsura ni Blaze, maganda naman ang katabi niya na mukhang mabubutas ang cellphone sa kaka-type. Ang cute niya dahil nanggigigil talaga siya. Maya-maya pa ay may tinawagan ito. Umiirap-irap sa paligid habang may kausap.

Ay, ka-cute talaga. Ano kayang pangalan?

"Michelle ang pangalan niya," bulong ni Lovely sa akin.

"Ha?"

Nakangiti siyang tinuro ang LED screen. "Classmate ko."

"Teka... taga-Ateneo ka?"

Nanlaki ang mata niya na umiling. "Classmate ko dati," mabilis na sagot niya.

Naningkit ang mata ko kay Lovely.

"Sa... ugh, Poveda."

Tiningnan ko siya hanggang sa mamula si Lovely.

"Apelyido niya?"

"I forgot," she murmured.

"May boyfriend na ba?"

"Maybe," sagot ni Lovely.

'Yon lang. Saka, Conyobels, Brix. Tumigil ka nga. 

Ears and RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon