Chapter 38- All too Well

836 58 5
                                    

Brix

Parang ayaw kong iwan si Mitch dahil sa kidnapping na nangyari. Iindahin ko ito. Matagal siguro bago mawala ang takot ko. Salamat kay Gabriel at sa kasama niyang si Kiro, nakita agad si Mitch. Nang makita namin ang kotse niya sa subdivision, nanlambot ako. Abot langit ang takot na naramdaman ko.

"Brix," tawag ni Mr. Salvacion sa akin na nagpabalik ng isip ko sa kasalukuyan. "Thank you."

Isang tango ang isinagot ko. Hindi ko makuhang magsalita. Nagsisikip pa ang lalamunan ko sa adrenaline.

"Magpahinga na tayo," dagdag ni Mr. Salvacion.

Isang tango muli ang ginawa ko. Mukhang ako ang na-trauma sa nangyari.

"Hon, hindi ka pa natutulog?" Mitch asked.

Umiling ako bilang sagot.

"Ow... matulog ka na."

"Kapag nasigurado ko ng nakauwi ka," I replied. "Susundan namin kayo ni Jaxx."

"No need," Mitch insisted. Umiling ako.

"For my peace of mind, Mitch."

Ilang sandal pang nakipag-usap sa pulis si Mitch at ang daddy niya bago dinala sina Adam at ang ga kasama niya sa presinto. Si Mitch naman ay umuwi kasama ang daddy niya. Sinundan namin sila ni Jaxx.

If there is one thing this event taught me, it's that I can't live without Mitch. Hindi ko na pala kayang mawala siya. She lives in me. I breathe her. She is my life.

"Magpahinga ka na," I said to Mitch nang bumaba ako sandali sa tapat ng gate nila.

"Ikaw din," sagot niya.

"Pumasok ka na. Aalis kami kapag nakapasok ka na sa loob."

Ngumiti si Mitch. "Nothings gonna happen to me now."

"For my peace of mind, Mitch. Indulge me. Pumasok ka na para mapanatag ako. Tatawagan kita..."

"No. I will call you. Wala ang phone ko. Naiwan sa car."

Oo nga pala. Hindi ko alam kung nadala dito ang kotse ni Mitch. "Call me kapag nakapagpahinga ka na."

Sa news nalaman ng ibang ka-banda ang nangyari kay Mitch. Nakatulog na ako sa bahay nila Jaxx pag-balik namin sa bahay nila. Topic naming magkakaibigan ang nangyari nang gabing iyon. Si Ryker at Blaze ay piniling pumunta kina Jaxx para makausap ako. Si Mitch ay hindi pinayagang umalis ng daddy niya sa bahay nila.

"Is she okay?" tanong ni Blaze sa akin.

"Okay naman siya. Mas ako pa ang na-trauma," wika ko. "Para akong kakapusin ng hininga kagabi."

"Bakit hidni ninyo kami sinabihan?" ani ni Ryker.

"Apat pa tayong tuliro?" ani ni Jaxx. "Tinulungan naman kami ni Gab at Kiro."

"Hindi ko na naisip din na tawagan kayo," wika ko. "Naka-focus ako sa paghahanap kay Mitch kagabi."

"Okay din pala na clingy kayo sa isa't-isa," sabi ni Ryker. "Alam mo agad na hindi siya nakauwi. Si Rose ba hindi ninyo tatawagan? Baka atakihin sa puso 'yon kapag nalaman ang nangyari kay Mitch."

"Natawagan na ni Mitch kanina," I replied.

Naiba ang usapan namin at napunta sa schedule ng banda. At the back of my mind, hindi mawala ang takot ko sa nangyari. Hindi pa ako natakot ng gano'n sa buong buhay ko.

Daddy ni Mitch ang humarap sa akin nang dalawin ko siya sa bahay nila kinabukasan.

"Brix," bati ni Mr. Salvacion sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Good afternoon po," bati ko naman.

"Pababa na si Mitch. Hindi ko pinayagang umalis ng bahay." Umiling si Mr. Salvacion. "I can't imagine... I..." Huminga ng malalim si Mr. Salvacion. Hindi na itinuloy ang nais sabihin. "Nakapagpahinga ka na ba?"

"Opo, thank you po for asking."

Sinenyasan ako ni Mr. Salvacion na maupo. "Brix, I saw how you care for my daughter."

"Mahal ko po ang anak ninyo."

"Nakikita ko 'yon," sagot ni Mr. Salvacion. "Siguro ay wala na akong mahihiling pa, hindi ba? Alagaan mo si Mitch, Brix. Nag-iisang anak ko iyan. Kung may naidulot na maganda ang pagsasama namin ng mommy niya, iyon ay ang ibinigay sa akin ng pagsasama na iyon si Mitch."

Hindi ako kumibo.

"I... I give you my blessing, Brix."

"Ho?" Nagulat ako.

"Mahalin mo si Michelle."

"Opo. Sir... Pinapangako ko po. Maraming salamat."

Ngumiti si Mr. Salvacion. Naiba ang usapan namin. Napunta sa negosyo ang usapan hanggang sa bumaba si Mitch.

Naging matatag ang relasyon namin ni Mitch. Nakagraduate siya sa master's degree niya at ako nasa sa second bachelor's degree ko. Nakapgpundar na rin kaming magkakaibigan/magkakabanda ng ilang maliliit na negosyo.

Isang gabi, tinawagan ako ni Jaxx.

"Miss mo naman ako agad," bungad ko kay Jaxx sa phone.

"Nasa hospital daw si Ryker."

"Ha? Ano ang nangyari?"

"Hindi ko alam. Nabugbog yata."

"Pisting yawa!"

Nagmamdali akong pumunta sa hospital na sinabi ni Jaxx. Naabutan namin si Ryker sa ER na mukhang nabugbog. Puro pasa ang mukha niya. Nagdudugo ang gilid ng kilay. May nakalagay na bulak sa isang ilong para pigilan ang pagdurugo.

"Tangina, ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ko kay Ryker. Amoy alak ito at mukhang lasing.

Kailan kaya magbabago si Ryker? Siya na lang ang naiiwang wild sa aming apat.

Sa paputol-putol na kwento, nalaman namin ang nangyari kay Ryker. Napagtugma-tugma namin ang hindi sunod-sunod na kwento at pangyayari. Kulang na lang ay tirisin siya ni Jaxx. Iniwan namin sa hospital si Ryker at binalikan na lang kinabukasan ng hapon. I made sure na nakahanda ang cellphone ko na kuhanan siya ng video at picture. Kailangan madocument ko itong katangahan niyang ito sakaling itanggi niya na nangyari. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now