Chapter 32- THE SECOND MEETING

836 87 15
                                    

Brix

Nagpa-practice ang banda sa studio ni Jaxx nang mag-vibrate ang phone ko. Noong una ay hindi ko pinapansin. Nagpaalam ako kay Mitch na may practice kami at alam niyang hindi ako makakasagot sa kanya agad. Hinayaan kong mapunta sa voice mail ang tawag.

After a minute, nag-vibrate muli ang phone ko. This time, I stop playing my bass. Nahinto rin si Jaxx sa akin. Nakakunot ang noo niya nang inilabas ko ang phone ko.

"Brix," may babalang tawag ni jaxx sa akin.

"Sanadali lang. Kanina pa tumatawag. Baka emergency," sagot ko kay Jaxx. I answered the call and I didn't expect to hear the voice on the other end.

"Brix," wika ng daddy ni Mitch.

"Sir," I automatically said. Sinenyasan ko ang mga ka-banda ko na tumahimik. "Bakit po? May nangyari po ba?"

"I want to talk to you alone."

Noong huling nakausap niya ako ay inatake ito sa puso.

"Makakabuti po ba—"

"Meet me now." Sinabi nito ang address kung saan gusto niyang magkita kami.

Nawala sa kabilang line ang daddy ni Mitch nang hindi ako naka-confirm. I guess another round of 'Magkano ang kailangan mo para layuan ang anak ko?'

"Daddy ni Mitch ang tumawag," wika ko kay Jaxx na naghihintay ng paliwanag ko.

"Bakit daw?" tanong ni Jaxx.

Nagkibit ako ng balikat. "Gusto raw akong makausap ngayon."

Hinubad ko ang bass at nilagay sa stand. "Okay lang bang mauna na ako?"

"Samahan kita," wika ni Blaze.

"Ako lang daw ang gustong makita."

"Sa labas lang ako," ani ni Blaze na nagpaalam na rin.

Si Blaze ang nagmaneho ng kotse ko dahil inatake ako ng kaba. Natatawa nga siya nang ibigay ko ang susi sa kanya ng kotse.

"Bakit ka raw kakausapin?" tanong ni Blaze habang nasa daan kami.

"Hindi ko rin alam. HUli kaming nag-usap ay inatake 'yon sa puso eh." Napakamot ako ng ulo. "Sabihin ko ba kay Mitch?"

Nagkibit ng balikat si Blaze. "Hindi ko alam. Hindi ko pa na-experience ang ganyan. Ano ba ang tono no'ng nakausap mo?"

"Neutral," I replied. "Parang nag-uutos, gano'n"

"The usual?" tanong I Blaze. Tumango ako bilang sagot.

Hindi kalayuan sa bahay ni Jaxx ang sinabing address sa akin ni Mr. Salvacion. Agad kaming nakarating ni Blaze sa restaurant.

Naroon na si Mr. Salvacion nang dumating ako. Si Blaze ay nanatili sa parking. Kasama si Mr. Salvacion ang isang nurse na nakaupo sa ibang table.

"Sir," bati ko.

"Umupo ka," wika nito. "Hindi ko naman nasitorbo ang klase mo?"

"Nasa practice po kami ng banda nang tumawag kayo." Naupo ako sa harapang upuan at naghintay ng pagbitay.

"Ano ulit ang kinukuha mong kurso?"

"Digital Communication po."

"Ano ang natapos mo sa UP?" tanong muli nito. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang tanungan n'ya ngayon. Hinihintay ko pa rin kung magkano na ang ibibigay sa akin nito, layuan ko lang si Mich.

"Public Administration po."

"Are you going to politics?"

Umiling ako at sumagot. "Hindi po. Sa probinsya po kasi, ang makapagtrabaho sa munisipyo ay malaki ng bagay."

Hindi kumibo si Mr. Salvacion. Pagkaraan ng ilang minuto ay binuksan nito ang menu. "Gusto mo ba ng makakain? Maiinom? Alam b ani Michelle na kakausapin kita?"

"Hindi na po. Okay lang po ako. At sa tanong ninyo kung alam ni Michelle, hindi ko po sinabi. Gusto kong marinig muna ang sasbaihin ninyo. Kung hindi po kabastusan na tanungin, bakit po ako nandito?"

"Saan kayo nagkakilala ni Michelle?"

"Kaibigan niya si Star Marcelo na family friend ni Jaxx at Margaux. Nakilala ko po siya through them."

"Tatapatin kita Brix. Hindi ikaw ang gusto ko para kay Michelle."

"Alam ko po," mabigat sa dibdib na sagot ko.

"Pero ikaw ang gusto ni Mich sa hindi ko maintindihan na dahilan," pagpapatuloy ni Mr. Salvacion, Nanahimik ako. "Until recently and until I talk to Angel Romualdez."

Kinabahan ako ng matindi. Nararamdaman ko ang pawis sa likod ng batok ko.

"He said good things about you."

Thank you, Tito Angel.

"Will you ask Michelle to consider taking Masters?"

Huh?

Napatanga ako sa sinabi ni Mr. Salvacion.

"Ah... I already talk to her about this. She discussed it with me last week."

"At ano ang sinabi mo?" walang ngiting tanong ng daddy ni Michelle.

You can try. Pwede mo naman bitawan ang isa kung hindi mo talaga kaya.

"Nag-alala siya nab aka hindi niya kayanin kaya ang sabi ko ay subukan niya muna."

Natahimik muli ang daddy ni Michelle.

"If I ask you to take up another course, will you?"

Napatingin ako sa menu sa harapan ko na hindi ko mabuksan-buksan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako sumagot. "Bakit po?"

"Ako ang nagtatanong dito. Not the other way around."

"Hindi ko po kasi kayo maintindihan."

Si Mr. Salavacion naman ang nagpakawal ng malalim na hininga. "I want to give you a chance, Brix. Knowing Michelle will not leave you; might as well I learn to know you."

"Oh-kay," sagot ko sa kawalan ng maisasagot.

"And besides utang ko ang buhay ko sa iyo ng dalawnag beses."

"Wala po iyon," maikling sagot ko. "Ginawa ko lang po ang tama."

Tumango-tango si Mr. Salvacion. "Now tell me, kailan ang next concert ninyo ng banda mo?"

Unti-unti akong nangiti at pinakawalan ang pinipigilang paghinga mula pa kanina. I think... I think Mr. Salvacion will like me. Para kay Michelle, I will make him like me. 

Ears and RhymesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang