Chapter 39- Happy Ever After

1.2K 61 3
                                    

Mitch

"Uuwi na si Star," Rose mentioned it a few times already. It is time na rin na umuwi na si Star dahil ikakasal na ako. Hindi sila pwedeng wala nila Kenshin at Raiden. Pinuntahan ko pa sila sa US at Japan para lang makausap ng personal.

"You don't look happy." I know she's happy. Ibang usapan lang talaga si Lego. Naroon pa rin ang tanong if kasamang uuwi si Lego. Hindi lang maitanong ni Rose. Hindi ko rin kasi alam kung uuwi si Lego. Hindi kami close.

"Of course I'm happy," Rose replied.

I look at my schedule, mayroon pa akong isang oras before ng next meeting.

Shit, ako ang may-ari ng company pero bakit feeling ko nakatali ako sa opisina. Kung wala si Rose dito sa office, baka nabaliw ako. Mabuti at event organizer ang susunod kong ka-meeting. Medyo hindi stressful.

"I know you're happy. Hindi lang halata sa mukha mo. Are you worried about Lego?"

"Wala akong sinabi..." denied ni Rose. I rolled my eyes.

"Do you still love him?" I asked the obvious. Walang naging boyfriend si Rose buhat noong naging friend ko siya. Akala ko nga magiging sila ni Ryker pero nilagyan ng line ni Rose ang closeness nila. Hanggang friends lang, sabi ni Rose and Ryker respected that.

"Hindi dahil engage ka na ay lahat na kami ay magiging masaya," sarcastic na sagot ni Rose.

Hay, the engagement, Kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko.

Sa Siargao 'yon. Sa isang private resort.

It was sunset and the sky was in beautiful orange, pink, and a little bit of lavender. We were walking at the seashore, holding hands.

"Ang ganda dito," I said to Brix. Napapansin ko siyang tahimik. "Hon?"

"Mitch, will you marry me?"

"What?" I asked in disbelief. Tama ba ang narinig ko?

"Will you marry me?" pag-uulit ni Brix. "Ring... of course, ang sing sing," bulong niya sa sarili.

He produced a ring from his pocket and oh so slowly he kneeled on one knee.

"Michell, will you marry me?" he asked for the third time.

All the while my mouth is open in disbelief.

"You are serious!" I stated.

"Oo naman. Sa pang-apat na tanong, will you marry me?"

Napatalon ako. "Yes! Yes! I will marry you." Akala ko ay matagal pa akong maghihintay.

"Earth to Mitch. Iniisip mo na naman ang proposal ni Brix ano?"

"Hindi ah!" tanggi ko.

"Mukha mo. Nakangiti ka habang nakatitig sa sing sing mo habang nagsasalita ako. Narinig mo ba ang mga sinabi ko?"

I smiled to Rose. "Hindi. Pakiulit."

Rose rolled her eyes. "Ayaw ko na. Nagtatampo na ako."

"Sira, ano nga 'yon Rose?" pamimilit ko.

Bumuntong hininga si Rose. "How to move on?"

"Huiiiee, I don't know," I replied.

Ngumiti si Rose ng pilit. "Joke lang," she said but I doubt. May truth sa sinabi niya. "Babalik na nga ako sa work ko. Baka sisantihin ako ng lady boss."

"Sira," wika ko habang natatawa. "Ikaw ang pinaka-spoiled

Rose is a good HR personnel. Part time siyang nagwo-work dito habang minsan ay nasa hospital siya bilang psychologist. Pero ang totoo, ako langa ng clingy at gusto kong nakikita at nababantayan si Rose. I can't shake off the time we rushed her to the hospital noong college kami. That traumatize me to the bone.

I received a message from Dad saying I need to come home early tonight as we have our own date. That was Brix idea before to mend my relationship with my dad. After my kidnapping, we started our Wednesday date. Every week nagda-date kami ni daddy. We go to malls or restaurants. Minsan ay sinasamahan ko siyang mag-shopping which I enjoy the most.

Naging okay na rin sila ni Brix. Dad started to see how wonderful my Brix was. Siya ang naging consultant nila Brix, Sir Blaze at Ryker sa kanilang mga restaurant business.

After few minutes, dumating na ang event organizer na binigay sa akin ng Tita Yumi. Nagstart na kami sa pagpa-plano ko ng kasal.

Dumating si Star at kami ni Rose ang sinabihan. Kami na rin ang sumundo sa kanya sa airport.

"Star!" Rose and I waved at her. Ang ganda naman this girl. Lalong pumuti.

"Girl, we so miss you, like, sobra," I said ang hugged my friend.

"Ikaw lang?" tanong ni Rose. Hay, Rose, you are obvious.

"Why? Are you looking for Kuya Lego?" tukso ni Star na ikinatawa ko. I can't help it. Ayan, maging obvious ka pa.

"I am looking for Tony." Rose rolled her eyes before she hugged Star.

Ugh, Tony. Hindi ko pa nasasabi kay Sir Blaze na may Tony sa pagitan nila ni Star. I don't have a heart to tell it to him.

"Susunod daw siya."

Mukhang may isang broken hearted na album na naman na mabubuo ang Overdrive.

Hinatid namin si Star sa Country Club pero kailangan namin siyang itago kay Sir Blaze. When I saw Brix, I needed to speak in super low voice.

"She's here," bulong ko kay Brix. "But susunod daw si Tony."

"Shit, sunog na naman ang atay ni Blaze nito," bulong din ni Brix. He looks worried when he looks at Blaze.

"I know, right. Pero na kay Star na ang decision nito. Sana lang... Hay hon, ang hirap naman."

Brix chuckled. "Huwag mon a lang muna sasbaihin. Hayaan mo silang makapag-usap. They need that. Blaze needs closure kung sakali."

Tumango ako. Brix is right as always.

"I love you." In case I didn't say it too often.

"I love you too," Brix replied.

"Umay na umay na ako," narinig namin si Rose na nagrereklamo na naman sa amin. May mauumay ito kay Lego kung nakilala niya lang ang Lego noon.

"You will have your time, Rose," I said which she just replied with eye roll. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now