Chapter 12- WHO CARES

1.4K 134 8
                                    

Brix


I am suddenly becoming mellow. Parang Jaxx version 2.0 ako bigla. Naiwan na si Ryker na mukhang walang pang balak magpakatino.

"Labas tayo," yaya ni Ryker pagkatapos ng rehearsal naming sa studio na pinagawa ni Jaxx at Margaux sa bahay nila.

"May exam ako," mabilis na tanggi ko.

"May pasok pa," sagot naman ni Blaze.

Si Drake na nagha-handover kay Blaze ay umiling lang. Si Jaxx naman ay kanina pa kami hindi pinapansin at nagbabasa ng makapal na libro.

'Ako na nga lang. Tangina n'yo," bulalas ni Ryker.

Hindi nakatiis si Jaxx at binato niya ng scratch paper si Ryker. "Nagtitino kami. Magtino ka na rin."

"Sarap ng buhay— bumalik pa kayo sa eskwela talaga."

"Makauwi na nga. Mauna na ako," paalam ko sa iba. Hindi ko gusting making kay Ryker. Iban a ang mundo ko ngayon. Nasasayangan na nga ako sa perang ipinang-inom ko lang. Inipon ko na lang sana.

Hinintuan ko na rin ang yosi. Baka lasang pugon ang bibig ko kapag hinalikan ako ni Mitch. Kahit mahirap sa umpisa ay ginawa ko. Nagtiis muna ako sa candy ang nginunguya. Umaasa akong lalagpas sa smack ang kiss na iyon.

Hay, Mitch...

Habang nagmamaneho ako ay tinawagan ko siya. Ang sabi ni Blaze ay nakita niya ito kasama si Rose bago siya umalis sa ADMU. Ten o'clock na. Gising pa kaya siya?

I tried my luck and called my girl. Napupuno na ang phone ko ng mga picture naming but I keep my relationship with her as private as I can. Ayaw kong masira ng ibang tao ang magandang simula naming.

"Hello," sagot ni Mitch at kusang ngumiti ang labi ko.

"Pauwi na ako," wika ko.

"Oh, I was expecting you will have gimmick. Papunta ako sa Jollibee."

"Jollibee?" natatawang ulit ko.

"Yeah. Iniinis ko lang si Rose. Wanna meet me there. Along C5."

"Of course. Kita tayo doon."

"Great. I'll see you in a bit. Miss you na."

Shit! Kung hindi ka ba naman kiligin. "Miss you too, hon."

I heard Mitch giggled at the other line. "Okay, gotta go. I'll call you when I reach there. You are on speakerphone naman, right? Don't use your phone when driving."

"I am on speaker, don't worry. My hand is at the steering wheel. Wala ka kasi para may ka-holding hands ako."

Narinig ko na naman siyang tumawa sa kabilang line.

"You are such a bolero. Gawd, I hope I am the only one you make bola."

"I am not bolero. NIlalambing lang kita."

"Waahhh, okay. I am not kilig... err slightly. Bye na nga, see you later. I will drive pa."

"Ingat ka. Love you."

"Aww, love you too, dear."

Na-meet ko na minsan si Rose pero parating nagmamadali. Kaya pala dahil nagta-trabaho pa siya after school. Sa Jollibee ay naroon si Mitch kasama ang tatlo niyang kaibigan na kung hindi ko alam na kaibigan niya ay pagseselosan ko talaga. Nandito rin 'yong kapatid ni Star na hindi marunong makisama.

"Guys, this is Brix may boyfriend. Brix, dear, this is Raiden and Ken— the Japs descendant. And this is Lego, Star's brother."

"Makiki-join lang sana."

"Sure, walang problema, pre," sagot ng pinakilalang si Ken.

"Where is Ryker? Ipapakilala ko pa naman sana kay Rose?"

The two Japanese chuckled but the other one stared at Mitch.

"What? As if naman nililigawan mo si Rose?" Mitch said to Lego.

Ahh, playing kupido itong si Mitch.

"Tawagan ko ba?" sakay ko sa biro ni Michelle.

"Is he malapit lang ba?"

"Hindi ko sigurado," sagot ko.

"Mitch— stop," wika ni Lego.

"Jeez, Lego. Don't make her wait. Nakaka-turn off iyon."

"Kaya pala may jowa ka agad," wika ni Raiden kay Michelle.

"Of course. Kapag may like ka, grab it. Not everyone has been given a second chance. But if there's a second chance nga, will you still push it away?" makahulugang tanong ni Michelle. "After all, you are making pahirap sa person na walang fault sa 'yo."

"I am making hirap na rin to understand you. Hindi ka ba marunong magsalita ng tagalog lang kung tagalog?" ani ni Raiden.

"No. Are you hirap ba to understand me?" baling ni Mitch sa akin.

"Love is blind, kaya huwag mong tanungin si Brix," Ken commented that made me chuckle.

"Hindi naman hirap, more on nakakahawa lang," paliwanag ko.

"Sabi nga ni Rose," Mitch chuckled. "Ay, have you eaten na ba? Do you want anything?"

"Hindi kami pinakain ni Jaxx. Ako na ang bibili. May gusto kayong kainin pa?"

Umiling ang tatlo maliban kay Lego na hindi kumikibo.

Suit yourself.

Nag-excuse ako at lumapit kay Rose. Naningkit ang mata niya sa akin pero alanganing ngumiti.

"Good evening, Sir," bati niya.

"Hello, Rosie."

"Sir, dito sa akin, maluwag. Pracitisado," wika ng isang cashier na alanganin na katabi ni Rose.

"Dito na lang ako sa magandang binibini," biro ko.

"Funny ka. Hindi mo kasama si Sir Blaze?" tanong ni Rose.

"Wala tayong bantay," nakangising sagot ko. "Pwede pa bang umorder ng burger?"

"Barya lang Brix. Para kang si Mitch kung magbayad."

Itinago ko ang one thousand kong inaabot sa kanya at kinuha ang tig-be-bente.

"Ayan, ganyan dapat," wika ni Rose.

"Para siyang familiar," wika ng katabi ni Rose.

"Hindi siya iyon," taboy ni Rose dito.

"Grabe ang mga friends mo Rose. Pakilala mo kasi kami."

"Here's your order, Sir. Bumalik ka na sa girlfriend mo." Pinakadiin ni Rose ang salitang girlfriend bago titigan ang katabi niya. "May girlfriend. Huwag kang humarot," sabi nito sa kasamahan.

Pero bago ako makaalis sa counter, dumating si Mitch. "Rosie, I want fries ulit. Mayro'n pa ba?" tanong niya.

Nag-abot ako ng pera kay Rose habang busy si Mitch sa kahahanap ng small bills sa wallet. Pagsasabihan ko ito at ang daming cash na dala.

"Bayad na, hon. Itago mo ang LV mo."

"Chanel hon, pero who cares sa brand. Thanks, Rose."

Natawa na lang kami ni Rose. Who cares daw sa brand? 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now