Chapter 26- ACHARA

2.7K 137 23
                                    

Brix

Napatingin kami kay Michelle nang sumigaw ito habang may kausap sa cellphone. Maging si Tita Merjie ay napalabas ng bahay dahil akala ay kung sino ang nag-aaway.

"No... you will not fucking step a foot in here, Adam."

"Ah, 'yong pinsan," wika ko sa mga kabigan ko.

"'Yong kupal na pinsan?" tanong ni Tita Merj.

"Mismo, Tita," sagot ni Rose. "Royal flush. Talo ka na naman Sir Blaze."

"Nandadaya ka," ani ni Blaze na malapit nang mapikon kay Rose. Kinuha ni Rose ang pera sa gitna nil ani Blaze at Ryker.

"Paano akong mandadaya—"

"I will tell the security to shoot you on the spot, leech." Napatingin na naman kami kay Michelle na nanggagalaiti sa galit.

"Hirap din makipagtalo sa jowa mo, Brix," biro ni Tita Merjie. Nagtawa kami ng mahina.

"Kaya nga hindi na lang kumikibo si Brix," sagot ni Ryker.

Bumalik si Michelle sa kumpulan namin na namumula sa galit at parang hinihingal.

"'Kay ka lang?" tanong ni Rose sa kanya.

"Yeah. Just got a little misunderstanding with Adam."

"Misunderstanding pa ba 'yon?" tanong ni Blaze kay Mitch.

Napabuntong hininga na lang ito. "He wanted to see my dad."

"Bakit daw?" tanong ni Rose.

"To see if he is okay. Honestly, naiinis ako sa kanya. Like, I already told him dad is fine. Gusto pa niyang makita talaga."

"Nasaan na nga pala ang daddy mo?"

"Nasa hotel, Sir Blaze. Doon muna kami for a while."

"Hindi mo feel ang pinsan mo?"

Umiling si Mitch at sumandal sa balikat ko. "No, Tita. I don't understand why he keep acting like he is super maalaga kay Daddy."

"Money," walang prenong sagot ni Tita Merjie.

Napabuntong hininga muli si Mitch.

"There's nothing new. Mabuti na lang my boyfriend is not like that."

"Ehem." Para akong seven-footer sa taas sa papering iyon.

"He is malambing and sweet—"

"Same lang ang malambing at sweet," pangbabara agad ni Rose sa pabirong paraan.

"Yeah, he is the sweetest—"

"I disagree," mabilis na sagot ni Ryker. "Hindi mo lang kasi ako shota kaya nasasabi mo 'yan."

Tuluyan nang umupo sa tabi namin si Tita Merj at binalasa ang playing cards.

"I am super lucky to have Brix."

"Awwww, so cute pero nakakasuka na ang ka-sweetan. May single dito, baka nalilimutan ninyo," wika ni Rose sabay turo kay Blaze. "Baka ngumawa si Sir Blaze."

"Wala kang respeto, Rose," saad ni Blaze na ikinatawa na namin.

"Pusoy tayo." Namigay ng baraha si Tita Merjie at si Mitch ang kumuha ng para sa akin. Panay tanong naman siya at sinasabi ang cards na nabubuo ko kaya palagi kaming natatalo.

"Taena Rose, bakit 'di na lang namin ibigay ang pera sa iyo? Ikaw lang ang nanalo?" Nayayamot na si Ryker at panay mababang cards ang nakukuha nito. Si Rose nga lang ang majority na nananalo sa laro.

"Pagbigyan n'yo na, sawi naman ang love life," pang-iinis pa ni Blaze.

Natawa agad kami ni Mitch, hindi pa man nagsasalita si Rose. Sobrang bahal na ibinaba ni Rose ang mga baraha niya at nilingon si Blaze.

"Nahiya naman ako sa iyo," wika ni Rose. Si Tita Merjie ay nagtago ng mukha sa likod ng mga baraha niya. "Ako ba ang nabugbog at naglupasay nang mawala si Star?"

"Oo na— manahimik ka na." Pero hindi nanahimik si Rose sa kabila ng pagpupumilit ni Blaze na ilagay sa kamay ni Rose ang mga cards.

"Ako ba ang nasapak? Umiyak? At nakabuo ng isang album dahil sa lungkot?"

"So true to life," dagdag pa ni Mitch na mas ikinalukot ng mukha ni Blaze.

"Ako ba ang nagpalit ng genre from rock to hugot songs? Ako ba, Sir Blaze?"

"Manahimik ka na nga. Magbuo ka ng ng baraha mo."

"Ay, hindi pa ako tapos—"

Tuluyan na kaming nagtawanan. Gaging si Rose, ang daming sumbat kay Blaze.

"Hindi naman ako na-hospital," Parang tanga si Blaze at pinatulan talaga ang sinabi ni Rose.

"No?" Mitch asked innocently. "'Di ba you were taken to the clinic?"

"Hindi iyon hospital," pamimilit ni Blaze.

"Uspital 'yon dito, Dong," Tita Merjie commented. "Tama na ang pagsasalita, nagmumukha kang defensive."

Sari-saring kantyaw kami kay Blaze na naka-ilang irap sa amin.

"I-psychology mo na nga iyang si Blaze nang tumigil," wika ni Tita Merjie kay Rose.

Ano, Tita?

Napanganga si Rose habang tawa kami nang tawa.

Humawak si Ryker sa sentido niya at saka pumikit. "Sina-psychology kita, hugot king. Magiging model ka ng yellow green na swimming trunks ng Bench."

Nakatikim ng batok si Ryker mula kay Blaze.

"Yuck!" sabay na tili ni Rose at Mitch.

Panay pinipikon nitong dalawa si Blaze pero hanggang ngayon, iniingatan pa rin sila ni Blaze kahit papaano. He still asked them about their studies and helped them with their thesis and reports.

Baka ganito na talaga ang friendship nilang tatlo.

"Hon—" tawag ko kay Mitch. Agad na nag-mwestra na nasusuka si Rose.

"Yes, hon?"

"Umay! Umay!" sabi ni Rose.

"Naalala ko si Redgie noong unang panahon," kinikilig na wika ni Tita Mergie. "Kinakantahan niya ako pero mali ang lyrics."

Natawa na naman kami.

Sana ganito lagi kasaya si Mitch. She looks young and free when she's happy like this.

"Why?" nakangiting tanong ni Mitch nang makita n'ya akong nakatitig sa kanya.

"Nothing. I'm just happy knowing you're happy."

"Ahh, ang sweet," biro ni Tita Merjie sa amin.

"Umay," sabat na naman ni Rose.

"Mag-achara ka na muna," sagot ni Tita Merjie na ikinatawa na naman namin. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now