Chapter 30- THE PARTY

1.1K 88 12
                                    

Brix

Tangina, hindi ako makahinga.

Nangangati ako sa suot kong longsleeve at slacks. Tatawa-tawa si Ryker sa akin.

"Bakit ka naka-rubber shoes?" sita ko rito.

"Bawal ba?" balik na tanong niya.

Papunta kami sa resto kung saan gaganapin ang birthday party ni Mitch. Kasama namin si Blaze na tahimik na nagmamaneho ng van. Si Rose ay inaantok sa likod.

"Semi-formal lang ang sabi. Ito ang semi ko," katwiran ni Ryker.

Pinagpapawisan pati ang paa ko sa suot kong leather shoes.

Sanay ako sa t-shirt at jeans. Nasasanay na rin ako sa pa-leather jacket ni Margaux. Pero mukhang hindi ako masasanay sa longsleeve at slacks na ito. Para akong sinasakal.

"Rose—" tawag ko rito.

"Tulog," mabilis na sagot naman ni Rose.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Ryker sa akin.

"Hindi!" kaila ko. "Chill ko nga eh."

Natawa si Ryker na ikinaungol ni Rose sa likod. "Ang ingay naman," angal ni Rose.

"Nakikisakay ka lang uy, ikaw pa ang masungit."

"Yawa ka Ryker. Gusto kong matulog eh!" angal muli ni Rose.

"Malapit na tayo," Blaze announced.

Tangina, hihimatayin yata ako.

Panay hinga ko ng malalim. Inhale sa ilong, exhale sa bibig. Umuugong ang tainga ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Okay lang 'yan," sabi ni Blaze sabay tapik sa balikat ko.

Tahimik kaming pumasok sa restaurant. Sinalubong kami ng usherette at dinala sa exclusive room. May iilan ng binsita kaming dinatnan. I even saw Mitch's cousin na si Adam.

Bakit nandito 'to?

"Why are you here?" tanong ni Adam nang makita kami... ako.

Why am I here? Seryoso ba ito?

"Ikaw, bakit 'andito ka?" tanong ko kay Adam nang makalapit siya sa amin.

Hindi nito nagustuhan ang tanong ko.

"This is a family event. You are not welcome here."

"Sabihin ko kay Mitch," sabat ni Rose. "Sandali tawagan ko. Ano nga ang name mo?"

Hindi kumibo si Adam. "Figured," bulong ni Rose. "Upo na kami ha," sarcastic na paalam ni Rose kay Adam.

Hinila ako ni Rose palayo sa pinsan ni Mitch.

"Huwag nating patulan," wika ni Rose.

"Ikaw nga 'tong sumagot," Blaze commented.

"I mean, huwag kayong pumatol. Exempted ako"

"Nasaan na ba ang dalawang hapon na kaibigan ninyo?" pag-iiba ni Ryker sa usapan.

"On the way na raw. Galing pang Tagaytay eh," sagot ni Rose.

Tahimik kaming umupo sa table na nakalaan sa amin. Unti-unting dumating ang bisita nila Mitch. Dumating na rin si Ken at Raiden at umupo sa gawi namin.

Hindi nagtagal, dumatin si Michelle. Agad na luminga siya sa paligid at nang makita kami ay saka ngumiti. Pumunta siya agad sa amin. Tumayo kaming lahat nang makalapit siya.

"Hi, hon," bati niya sa akin at saka humalik sa pisngi. Ako ang pasimpleng tumingin sa paligid. Naroon sa may pinto ang daddy niya at nakatingin sa amin.

"Hi," kinakabahang bati ko. Binigay ko ang dala kong bulaklak na hindi ko alam kung nalanta na dahil sa kakapiga ko ng tangkay kanina pa. "Happy birthday."

"Thank you. Gosh, bakit nandito kayo sa likod? Darla," sigaw ni Mitch. "Bakit sila nasa likod? At bakit andito ka?" singhal ni Mitch kay Adam.

"Tangina, siya pala ang hindi invited," natatawang bulong ni Ryker sa amin.

"Come, dito kayo sa tabi ko." Hila-hila ni Mitch ang kamay ko papunta sa pinakamahabang table.

"Dad, these are my friends." Pinakilala muli ni Mitch ang mga kaibigan namin sa daddy niya. "And you know Brix—" she said with a hint of determination, "—my boyfriend."

"Let's seat," wika ng daddy niya.

Nagkatinginan kaming magkakaigan.

Walang 'magkano ang kailangan mo?' ngayon.

Nagsimulang nag-serve ang mga waiters sa amin. Si Ryker lang yata ang may ganang kumain sa amin. Matabang ang panlasa ko sa lahat ng pagkain.

"Brix," tawag ng daddy ni Mitch sa akin.

"Dad," may babalang sagot ni Michelle.

"I'm okay," mahinang mahinang bulong ko kay Michelle.

"Yes, sir?"

"How are your studies?"

Unti-unti akong nag-exhale ng hininga samantalang ang mga kaibigan ko ay obvious na nagbuga ng hininga.

"Okay naman po, Sir," maikling sagot ko.

"Are you taking masters?"

Umiling ako. "Second course po," I replied.

"Pffff..." Adam made noise. "Where do you studies?"

"I graduated from UP but I am taking my second course in Digital Communication in Mapua."

Tumawa ng bahagya si Adam. "Not business related," sabi nito.

Hindi ako kumibo.

"Why are you even here?" Who invited you?" Mitch asked Adam bitterly.

"I want Mitch to take up masters," sabi ng Daddy ni Michelle, cutting whatever Mitch wants to say to Adam.

"But Dad, I want to work agad," sagot ni Michelle.

"You can work when you are free from school," sabi ng daddy niya. "I want you to learn our business."

"What?" Mabilis na tumayo si Adam at binato ang table napkin na hawak. "Why her?"

"Duh!" comment ni Rose na nasa tabi ko. "Anak ka ba kung maka-react?"

"I should be the one—"

Mabilis na tumingin ng masama si Michelle kay Adam. "Lower your damn voice when you are talking to my dad!"

"Ibibigay mo ang kumpanya sa spoiled mong anak? Hahayaan mo kaming bumagsak lahat?" Magiging mabalasik na ang mga mata ni Adam habang nakatingin sa daddy ni Michelle.

"That is my company. I can do whatever I want to do," sagot ng daddy ni Michelle.

"Get out, Adam. Lumalabas ang real color mo. You are not welcome—"

Kinuha ni Adam ang isang table knife.Papunta siya sa daddy ni Mitch. Agad akong tumayo at pinigilan siya. Sinuntok ko siya sa panga at nabitawan niya ang kutsilyo. Agad naman hinawakan ni Blaze at Ryker si Adam sa magkabilang braso.

"Oh my God, call the police," wika ni Mitch. Agad siyang lumapit sa daddy niya at yumakap. "Hold that leech, Sir Blaze. Jesus, you will stab my dad!"

May mga guard na pumasok at pinaposas namin si Adam hanggang sa dumating ang mga police. Pinahuli si Adam ng daddy ni Mitch.

"Okay lang po kayo?" tanong ko sa daddy ni Michelle nang umalis na ang mga police at makapagbigay sila ng statement. "Pasensya na po—"

"Thank you," maikling wika ng daddy ni Michelle.

Muli ay napabuga ako ng hininga. Tanging tango ang naisagot ko. 

Ears and RhymesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora