Chapter 18- MUNDANE WORLD

1.3K 127 7
                                    

Brix


Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa mga nangyari. Naabutan na ako ni Rose na gising nang bumangon siya kinaumagahan.

"Hindi ka nakatulog," wika niya. "Gusto mo ng kape?"

"Si Mitch?"

"Tulog na tulog. Hayaan muna natin."

Sumunod ako kay Rose sa kusina at naupo sa isang upuan sa may dining are niya.

"Huwag kang magugulat, pero nasa social media na ang nangyari sa inyo. Tumawag si Ken sa akin kaya ako nagising."

Napabuga ako ng hininga. "Gaano kasama ang balita?"

Nagkibit ng balikat si Rose. "Depende kung saan angle mo titingnan," sagot niya. "Alam ko naman na hindi kayo nagtanan kaya lang si Ken ay hindi alam ang nangyari kaya tumawag sa akin though hindi ko rin alam ang buong details."

"Tumugtog kami sa party ng company nila Mitch kagabi," simula kong mag-explain kay Rose. Binigyan niya ako ng isang mug ng kape at inabutan ng loaf bread. Naupo si Rose sa upuan sa tapat ko at naghintay ng kasunod na sasabihn ko.

"Alam naming trap iyon para ipamukha sa akin ang differences namin ni Mitch pero kinuha kasi ng manager namin kaya wala na kaming nagawa. Pinaglaban niya kami, Rose. Hindi ko akalain na pipiliin ako ni Mitch."

Napangiti ng kaunti si Rose sa akin.

"Nahiya ako sa sarili ko kagabi. I was ready to set her free. Na maghihintay na lang sana ako sa kanya but she stood up for us. Hindi niya ako kinahiya."

"Wala naman dapat ikahiya, Brix," ani ni Rose.

"Thank you for being a good friend to Michelle."

"Ako ang grateful dahil naging kaibigan ko siya. I will take care of her, huwag kang mag-alala."

"Thank you, Rose."

Bandang tanghali ay umuwi ako sa condo ko. Hinayaan ko muna si Mitch na mag-settle sa bago niyang routine. Iniwasan ko ang social media at inatupagna muna ang submission ko para bukas. Ang buong tropa naman ay panay ang message sa akin kung okay ako. Ngayon ko ipinagpapasalamat na solid kami. Hindi ito ay titibag sa Overdrive.

Nag-aalala ako kay Michelle. May isang linggo pa bago ang Christmas break at alam ko kung gaano kabilis kumalat ang balita. Kalat na sa buong Mapua ang nangyari at hindi iilang beses kong nakita ang mapanuring mata ng ibang schoolmate ko sa akin.

Nag-me-message ako kay Rose kapag may pagkakataon para kumustahin si Michelle.

Rose: Bibili kami ng simcard mamaya at tuturuan ko sa unlicall at text ito.

Brix: Salamat Rose. Ikaw muna ang bahala kay Mitch.

Rose: No worries, 'andito sina Ken at Rai at wala namang pakialam si Mitch sa mga chismis kaya huwag ka ng mag-alala. Masigla pa nga at full of energy. Pero pagsabihan mo naman na huwag gastos nang gastos at baka maubos ang pera niya.

Brix: Sige kausapin ko.

Rose: Hindi yata ako mamatay sa heart failure, mamatay yata ako sa diarrhea. Magtatae na ako sa milk tea kakabili ni Mitch

After school, kahit out of way ay pinuntahan ko si Mitch sa apartment. Naabutan ko sila Ken at Raiden doon na tinutulungan silang magbuhat ng mattress.

"Brix, ayan, pagsabihan mo na. Bumili ng bed. Naloloka ako." Halos mabura ang mukha ni Rose kakasumbong kay Michelle.

"Wait, before you make pangaral, hear me out. I need a comfortable bed."

"Hon, kailangan mong magbudget."

"I know but I need a comfortable bed," giit niya.

"Pero hindi kasing mahal ng bed na 'yan!" Tinuro ni Rose ang bed frame na hirap na hirap iakyat sa second floor kahit may katulog pa si Ken at Raiden.

"Last na ito," mabilis na sagot ni Mitch.

"Ano pa ang kailangan mo, tell me," mahinahon na wika ko. At least I can give her something.

"You," Michelle replied smiling. Automatic na napangiti naman ako.

Rose made a gagging sound that made Michelle giggle.

"Tangina, ang init," sigaw ng dalawa sa itaas. Bumaba agad si Ken at Raiden na pawis na pawis.

"Kailangan ko ng aircon," sabi ni Ken.

"Yup—" sang-ayon ni Michelle.

"Hindi," sagot agad ni Rose sa kanila. "Mahal ang kuryente. Kayo ang ibabayad ko sa Meralco."

"Kung ito ang magiging tambayan natin—"

"Which is hindi," Rose replied urgently.

"—kailangan namin ng aircon," pagpapatuloy ni Raiden.

"Yes!" sang-ayon ni Michelle.

"Sagot ko na si Meralco," ani ni Kenshin.

Michelle almost dances while Rose suddenly wanted to hit her friends with the spatula she's holding.

"We will look for AN AC tomorrow?" tanong ni Michelle.

"Yes," sabay na sagot ng dalawa kasabay ng "No," ni Rose.

"Majority wins, Rose," Mitch joked her.

Bumalik sa kusina si Rose at iniwan kami. "Dito ba kayo kakain?" sigaw niya mula roon.

"How are you?" seryoso kong tanong kay Michelle.

Ngumiti siya, "I am perfectly fine, Brix. Mas dumami ang followers ko sa IG. It's liberating if I'm being honest. Hindi lang ako sanay sa mga codes na pinapakabisa ni Rose sa akin so I can call and message unlimitedly."

"Ano pa ang kailangan mo?"

Mas lalo siyang ngumiti sa akin. "Ikaw lang talaga."

"Tangina, umay" wika ni Ken. Tumayo sila ni Raiden at iniwan kami sa sala.

Natatawang sinundan ng tingin ni Michelle ang dalawa na nagpunta sa kusina at ginulo si Rose.

"How are you?" Mitch asked nang bumaling na siya sa akin.

"Never been better, hon."

"We can do this." Positive na positive ang pananaw ni Mitch. Kailangan niya lang sigurong magtipid at hindi na ako masyadong mag-aalala sa kanya.

Sana lang hindi niya pagsisihan ang decision na ginawa niya. Sana hindi niya pagsisihan na pinili niya ako. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now