Chapter 28- THE PANCIT CANTON

824 72 8
                                    

Brix

"Okay ka lang?" tanong ko kay Mitch. Mukha siyang stress na stress. 'Yong buhok niya na laging maayos, ngayon ay parang ilang beses niyang nasuklay ng kamay.

"Yes... No... Well, yes I am okay but I am not."

Nasa apartment kami ni Rose na naging tambayan na nilang magkakaibigan kaya dito na rin ako pumupunta kapag sinasabi ni Mitch na nandirito siya. Naka-aircon na ang bahay kahit tumanggi si Rose. Kahit mainit sa labas, naka long sleeve si Rose dito sa loob.

"Gusto mong i-share kung bakit ka stress?"

Nalukot ang magandang mukha ni Mitch at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay. Yep, she is stress nga.

"I had a deal with my dad."

"O—kay. So ano ang problema mo ro'n?"

"A lot. Like if I can't..." Nagsimulang magkwento ng mabilis si Mitch at hindi ko naintindihan.

"Sandali, sandal," pigil ko sa kanya. "Hindi kita maintindihan, hon. Ano ang tungkol sa pancit canton?"

Huminga ng malalim si Mitch at nagpaliwanag ng maayos. "I am tired of my dad pushing Anthony to me. So, I kinda make a deal with him that I can double the sales of pancit canton in six months. Kapag nagawa ko, he will leave us alone."

Tungkol na naman pala sa amin.

"The problem is, I am nervous as hell, and look..." Pinakita ni Mitch ang mga pictures niya sa phone. "I can't even capture a good picture to post.

"Do you want me to help you?" tanong ko muna sa kanya. Hindi naman mahirap gawin 'to. Hindi lang alam ni Mitch kung saan magsisimula.

Tangina, kahit hilahin ko pa si Jaxx at pakainin ng pancit canton araw-araw sa loob ng anim na buwan ay gagawin ko, 'wag lang ma-stress si Michelle ng ganito.

"Yes... yes please, Brix. I need your help. I need everyone's help. I can't lose you."

Aww, my heart will melt.

Kinuha ko ang cellphone ni Mitch. "Rose," tawag ko kay Rose na hindi matapos-tapos sa pagwawalis. "May pancit canton ba?"

Lumabas si Rose mula sa kitchen na may dalang malaking paper bag.

"Hindi ko alam kung saan pa itatago ito. Ang daming dalang pancit canton ni Michelle. Mamili ka pa ng flavor." Nilapag ni Rose ang paper bag sa tabi namin ni Michelle.

Kumuha ako ng isang pancit canton at inilagay sa Chanel na bag ni Michelle at kinuhanan ng pictures. The contrast of her expensive bag and cheap pancit canton is funny.

"You can post this," I suggested. Nangiti si Michelle nang makita ang picture. Contrast na contrast ang pancit canton sa laman ng bag niya.

When she posted the picture, minutes pa lang ay marami ng likes at comments. Marami ang natatawa dahil nga ang contradicting ng pancit canton at ang mamahaling gamit niya.

"You have magic," Mitch said after a while. "How can you do that?"

"Angle," maiksing sagot ko.

Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ni Michelle bago siya sumandal sa balikat ko.

"I am becoming dependent on you," sabi niya.

"Gusto ko naman iyon."

"I should be an independent woman."

"You can be independent while needing help sometimes," paliwanag ko kat Mitch. "Hindi mo kailangang gawin mag-isa lahat. Nandito ako, hon."

"I know. Ikaw nga lagi ang una kong hinahanap."

"Which is iyon naman talaga dapat, hindi ba?"

"Yeah," she agreed. "Ayaw ko lang masakal ka sa pagiging needy ko."

"I doubt," I answered honestly. "I like that you need me."

Kapag hindi ko kasama si Mitch, kung ano-anong concept ang naiisip ko sa pancit canton na iyan. Mayroon na nga akong isa na laging nasa bag para kuhanan ng picture kapag nakakita ako ng magandang angle.

Game naman ang buong trop ana tumulong sa campaign ni Michelle to double their sales. Ang ginawa ng Overdrive ay kumain ng libreng pancit canton at magpapicture at video.

Gumawa rin ako ng mini videos na pwedeng i-post ni Mitch sa IG niya. Sino ba ang hindi makaka-relate sa pagkain ng pancit habang nagrereview sa exam? Nakaupo lang si Jaxx habang nagbabasa at kumakain ng pancit pero isa iyon sa pinakamaraming likes sa video na pinost ni Michelle.

Meron din kaming video ng buong Overdrive habang nag-ja-jamming sa studio at kumakain. Simpleng shot lang pero malaki ang hatak sa view.

"Hon," masayang bungad ni Michelle sa akin isang araw. "Wala pang three months pero na-reach na natin ang target sales."

Naluluhang yumakap si Michelle sa akin kahit nasa parking lot kami ng Ateneo.

Napahinga ako ng maluwag. We did it.

"Thank you so much for your help."

"It's our group effort, hon. And you are always welcome."

Bumitaw si Michelle sa akin na nakangiti at nagpupunas ng happy tears niya. "I can't wait to see my Dad's reaction."

"Be gentle with your dad." I dried some of her tears na hindi niya napunasan.

She smiled at me. "And also, I am turning twenty-one in two weeks so my bank accounts will unfreeze. Nire-remind ko every week iyon sa lawyer."

"And malapit na rin ang graduation mo," I pointed out.

"Yes, malapit na rin iyon and I don't know if I will take Master's. Do I need ba?"

I smiled on how happy she is right now. Sana lagi siyang ganito. Sana lagi ko siyang mapasaya ng ganito. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now