Chapter 24- THE GIFT

1.6K 142 31
                                    

Brix


Sa kabilang bahay nila Margaux pinatuloy ang Daddy ni Mitch. Mas marami ang spare room doon at may spare room sa first floor. Natutulog na ang daddy ni Mitch at kami naman at nakatambay pa sa labas. Sa wakas ay nahawakan ko na muli ang kamay ni Michelle.

"I miss you," bulong ko sa kanya.

"Me too," bulong niya pabalik. "Thank you for inviting me."

"I'm glad nakapunta ka. 'Yong gift ko sa 'yo nasa ilalim ng Christmas tree."

Para siyang bata na nagliwanag ang paningin. "You have a gift for me?"

"Bakit parang na-surprise ka? Of course, I have a gift for you. Si Blaze nga binigyan ko 'di ko naman shota, ikaw pa ba?"

"Gosh, so sweet. Okay, I also have but I don't know if you will like it. Pero nasa van at asleep na si Kuyang driver. I don't want to wake him up."

"Teka, kukunin ko ang gift mo since gusting gusto mong nagbubukas ng regalo."

Malamig na sa labas pero dahil naka hoodie si Mitch— na hoodie ko— ay hindi kami pinapapasok ni Tita Merjie na bumibirit pa ng Aegis sa videoke.

Ang tagal kong pinag-iisipan kung ano ang ibibigay ko kay Mitch at lahat ng binanggit ng mga kaibigan ko ay alam kong mayroon na siya. Ito, alam ko kasya sa pulsa niya at parati niyang madadala.

BUmalik ako sa labas dala ang maliit na kahon. Si Margaux ang nagbalot nito kaya may gintong ribbon pa. Sa akin nga okay na ang pulang papel.

Excited na binuksan ni Mitch ang gift. Nahirapan pa nga siya dahil sa scotch tape. When she opened the box, dahan dahan niyang iniangat ang pearl na rosary na nabili ko sa Intramuros. I don't know, at that time, I thought of her when I saw it.

"Aw, thank you, hon. No one has ever given me, this special gift. No one has ever thought of that."

Yumakap si Mitch sa akin at biglang umiyak. I let her cry as she needs to release her heartaches. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Lagi mong dadalin, iyan, ha?"

"Yes, I will. Thank you so much. I need this talaga."

Satisfied na ako na nakaakbay ako kay Mitch habang nakikinig kay Tita Merjie na kumakanta. Ang tropa naman ay nasa porch at nagkukwentuhan. Binu-bully ni Blaze at Ryker si Rose na hindi naman nila mapapikon.

Maya-maya ay lumapit si Jaxx sa akin at kinakalabit ako ng madiin.

"Hindi, nandito sila... Oo, kasama ang daddy niya." Napatingin kami ni Mitch kay Jaxx na may kausap sa phone.

"Mitch, sino ang naiwan sa bahay ninyo?" tanong ni Jaxx.

"Mga kasambahay. Why?"

"Mga kasambahay daw," pag-uulit ni Jaxx sa kausap. Nakinig siya sandal at tumango-tango. "Sige hindi namin paaalisin dito. Salamat, Gab."

Naupo si Jaxx sa tabi ko at saka bumuntong hininga. "Mitch, nasusunog ang bahay ninyo."

"What?" tili ni Michelle. "'Yong mga kasambahay namin?"

"Pinapasabi ni Gab na huwag kayong aalis dito. Mukhang arson. Sil ana muna raw ang bahala."

"Tangina," bulalas ko. "Kung hindi nagpumilit si Michelle—"

Tumango si Jaxx.

Masusunog dapat sila.

"God, who did this?" biglang nanginig si Mitch. Hindi ko alam kung dahil sa ginaw o sa takot ng possible na dapat na mangyayari sa kanila.

"Tara sa loob, Mitch. Nanginginig ka."

BInuhat ko si Mitch at dinala sa loob ng bahay ni Tita Merjie.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Tita Merjie over the mic. Napatingin tuloy ang mga nasal abas sa amin.

"Mommy, naka-mic ka," pagbabawal ni Jaxx.

Pinatay ni Tita Merjie ang videoke at kaagad na lumapit sa amin. "Ano ang nangyari?" malumanay na tanong niya sa umiiyak na si Michelle.

"Nasusunog ang bahay nila ngayon. Tumawag si Gab sa akin to check on Michelle."

"Diyos ko... Mabuti pala at nandito kayo. Tumahan ka na, Mitch. Mapapalitan ang mga gamit."

Nakaalalay si Tita Merjie kay Michelle. Binigyan ng calming tea hanggang sa tumahan.

"Gusto mo ng magpahinga? Mamaya pa malalaman ang report, magpahinga ka muna."

Huminga ng malalim si Michelle at saka tumango. Hinatid ko siya sa kabilang bahay kung saan sila matutulog.

"Good night, hon. Please sleep well." I kiss her forehead.

She tried to smile kahit alam kong iiyak pa siya mamaya sa kwarto. "You are the biggest blessing I ever received, Brix. I love you. Merry Christmas, hon."

"I love you too and Merry Christmas."

Bumalik ako sa bahay nila Jaxx at naabutan ko ang naka-game face na tropa pati na rin si Tito Redgie at Tita Merjie.

"Sino ang kaaway natin?" tanong ko sa kanila.

"Sabihin mong taga DLSU 'yong dimunyung nagpapaiyak kay Mitch at nang tamaan sa akin ng matindi."

Natawa kami sa reaction ni Tito Redgie. Para siyang si Bobbie Salazar at lagi niyang kasalanan. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now