Chapter 35- The Last Meeting

952 65 5
                                    

Mitch

"Nakakaloka. I feel like Dad id making pikot Brix."

Who else will listen to me kung hindi si Rose? I told her what happened last night when Brix went to our house habang hinihintay namin sila Raiden at Ken sa apartment. I turned on the AC and Rose made noise.

"Ayaw mo no'n?" Rose asked. "Tama naman daddy mo."

"We are young pa. I want to enjoy pa pero ang pressure ni daddy."

Umikot ang mga mata ni Rose. "Kung merong nape-pressure, si Brix 'yon. Imagine pinagpapalit siya ng course."

"Hay, iyon pa nga. Nakakahiya kay Brix."

Tumango-tango si Rose. "Ano ang sabi ni Brix?"

"Inawat ko siyang magsalita. Baka um-oo lang kay daddy, paano na ang dreams niya?"

"Ay oh... ang mature na ni inday," tukso sa akin ni Rose. Napabuntong hininga ako. "It's unfair, you know. Ngayon lang tinutupad ni Brix ang gusto niyang course."

"Minsan Mitch, kailangan niyang manimbang kung ano ang importante sa kanya. Nagbabago ang dreams, alam mo ba? Malay mo, mas ikaw ang pangarap niya ngayon."

Napangiti ako at hinampas si Rose sa braso. "Kinikilig ako, friend."

"Tangina, nagpapayo na nga ng libre, nabubugbog pa," bulong ni Rose.

"Sorry," I said and hugged her. "But I love you, Rose, you know that, right?"

She made face and pushed me a little. "Nararamdaman ko ang boobs. Lumayo ka Mitch. Hindi ako sanay sa mga ganyan-ganyan."

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magkwento. Nakakalimutan ko minsan na mahina ang puso ni Rose. Sa daldal ko, naikwento ko si Lego without even knowing.

"Alam mo, I remember Lego na super sweet."

"Hay, magkaiba tayo ng Lego na nakilala," sagot ni Rose. Napahinto ako sa susunod na sasabihin ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh God, I'm sorry."

"It's fine. Magkaiba lang talaga tayo ng Lego na nakilala." Pinilit ngumiti ni Rose.

Nagpunta siya sa kitchen at para niya akong pinarusahan when she cooked pancit canton that can feed the whole class.

"Ubusin mo 'yan," sabi pa niya sa akin when she put a bowl of pancit canton in front of me.

I got busy with the finals then the graduation. Hay, how time flies. Ga-graduate na kami nila Rose, Ken and Raiden ng sabay-sabay.

How I wish kasama namin si Star.

Sa apartment, nagtatalo-talo kami nila Raiden at Ken when Brix came.

"Naririnig ko kayo sa labas," sabi niya. Tumabi siya sa akin at nag-kiss sa forehead na ikina-duwal ni Rose.

Nag-fist bump si Brix sa tatlo.

"Ano ang pinagattalunan ninyo?"

"Basta ako, nanonood lang," wika agad ni Rose.

"Kung saan tayo magbabakasyon," I replied to Brix. "Amanpulo na lang kasi."

"Overseas," giit ni Ken.

Nailing si Brix at kinausap si Rose. "Ano ang entry mo, Rose?"

"Swimming sa Marikina river," sagot ni Rose.

"KJ 'yang si Rose," sumbong ko kay Brix. Rose rolled her eyes again. Since we started this discussion, nakailang ikot na ng mata si Rose sa amin.

"Ang mahal ng turon sa Amanpulo, ano ka ba," Rose said that made Brix chuckle. "At wala akong passport," she said to Ken when Ken started to say something. "Ang aksayado ninyo sa pera."

"Aanhin namin ang pera kung hindi namin gagastusin sa paraang gusto namin?" I asked Rose. "I mean, it's just a beach."

"Ano ba ang gusto ninyo?" Brix asked us.

"Beach," I said while Ken said "Overseas."

"Okay, eh 'di Beach sa overseas," Brix concluded.

"Isa ka pang malala," sabi ni Rose kay Brix. "Maiiwan ako."

Umangal kaming tatlo nila Ken at Raiden.

"Ang KJ, nakakainis," maktol ko.

Wala kaming napagkasunduan in the end. It's getting dark because of the rain.

"Magsiuwi na kayo at baka abutan kayo ng baha," pagtataboy ni Rose sa amin.

"May point si Rose," Brix commented. "Ihahatid na kita."

"Dala ko ang kotse."

"I mean susundan kita."

"Mapapalayo ka."

"At may jabetis na kami kakapakinig sa inyo," Rose countered.

"Sige na hon. Okay lang akong mag-drive. I will call you as soon as I get home."

I smiled at Brix though I felt like he didn't want me to drive alone. Nagpaalam na kami sa isa't-isa.

The rain didn't stop while I am driving. Mas lalo pang dumilim sa paligid. Cars made the traffic worst. Saba'y-sabay nag-uuwian ang mga tao. Lahat gustong takasan ang bad weather.

I made a turn in one of the exclusive subdivisions that opened their gate to give the private cars an option on the road. The road doesn't have much light as I drive. There are cars behind me. I think they are also trying to escape the traffic.

I am near the end of the subdivision and there is one gate here that will lead me to the main road papunta sa amin nang maramdaman kong may nakabangga sa likod ng kotse ko.

Napahinga ako ng malalim.

"Of all the time to bump me," I said in irritation. I parked my car and waited for the car that bumped me to stop.

Five guys went out of the car and I immediately felt unsafe. I made my car move when a gun was shot. Napasigaw ako. Another gun shot at napahinto ako. Nanginginig akong nakahawak sa manibela. Some of the guys went to my side. Nakatutok ang baril sa akin. Kinatok ng isang lalaki ang pinto ng kotse ko at sinenyasan akong bumaba habang nakatutok ang baril sa akin.

I felt numb on the spot. Nagpapanic ako. Kinakapos pa ako ng hininga.

One of the guys broke my window. Napasigaw ako ngunit parang walang boses na lumabas sa akin.

"Baba," sigaw ng lalaki.

Nanginginig akong binuksan ang pinto ng kotse ko. Hinila ako ng lalaki nang mabukas na ang pinto at nilagyan ako ng piring sa mata. Inakay ako papunta sa kotse nila.

Iyon ang natatandaan kong huling nangyari bago ako mawalan ng lakas. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now