Chapter 34- Gusto na Ayaw

839 77 9
                                    

Brix

Ang sabi ng lola ko dati, huwag masyadong magsasaya dahil may kapalit ito. Hindi ko iniintindi iyon dati. Bakit hindi ako magiging masaya ng lubusan kung nasa akin na ang pinagdadasal ko?

Pero isang araw, tumawag si Michelle.

"Yes, hon. Tapos na ang klase ko."

"Brix, nakatakas si Adam."

Son of a bitch.

"Paano—"

"Hindi namin alam. My daddy is furious. Ayaw niya akong palabasin ng bahay. He is suggesting to have a bodyguard."

Huminga ako ng malalim. "Baka nga kailangan ninyo."

"I don't want"

"Hon, hangga't hindi pa nahahanap si Adam, baka kailangan ninyo. He almost kills your dad," paalala ko sa kanya. "And baka ikaw ang pagbuntunan no'n. I can't live with that thought, Mitch."

"How can I see you kung may nakabuntot sa akin"

"We'll find ways," sagot ko gaya ng bangko.

Huminga ng malalim si Mitch. "Okay. I think you're right."

"Dadalawin na lang kita sa inyo." Napangiwi ako. Papapasukin naman kaya ako ng daddy niya?

"You will?" excited na tanong ni Mitch.

"Yeah, like the old school manliligaw."

She chuckled. "Will you make harana din?"

"Baka mapasagot ko daddy mo," biro ko na ikinatawa niya. There, much better.

"Oh, how I wish. But I will dad na pupunta ka. Is it today ba?"

Agad-agad? "Err, magpapagupit muna ako." Sumakay na ako sa kotse at tumingin sa salamin. Kailangan ko pati na mag-ahit.

"Why? I like your hair. I can play my fingers on the strands."

Natawa ako. "That is the point. Para hindi mo na mapaglaruan ang buhok ko. You make my knees weak."

"Is that so bad?" bulong ni Mitch.

Napapikit ako ng mariin. Image of us in bed came to my mind. Mabilis ko iyong inalis. "No...yeah... I mean no, but not this time."

"Ang conservative mo," angal ni Mitch na mas lalo kong ikinatawa.

"And you, my sweetheart is a big temptation. Baka bukas pumunta ako sa inyo. Ipag-iigib kita."

Natawa na naman si Mitch. "Hay, I miss the barrio that Sir Blaze brought us. I almost set the whole place in fire nga lang."

Nag-usap pa kami ng ilang sandal ni Mitch bago ako nagmaneho palayo sa Uni.

Hindi masaya si Margaux nang makita akong ahit at nakagupit.

"Hindi mo lang ako tinanong!" naiinis na wika ni Margaux nang makita ako kinabukasan. Nakalimutan ko na may stylist kami at si Margaux iyon. Dumeretso ako sa barber kahapon pagkatapos naming mag-usap ni Mitch.

"Okay naman ah!" depensa ko.

"Mukha kang mag-a-ROTC," nakangising sabat ni Blaze.

"Kailangan kong maging presentable."

Tinuro ni Margaux ang isang upuan at pilit akong pinaupo. Halos sabunutan ako ni Margaux habang ina-analyze ang damage na ginawa ng barbero.

"Naiinis ako!" Iniwan ako ni Margaux na parang batang nakaupo sa gitna ng tropa.

"Urg, ano na ang gagawin ko?" tanong ko kay Jaxx.

"Maupo ka lang," sagot niya.

Bumalik si Margaux na may dalang razor. Agad ko siyang inawat. "Teka, ayaw ko ng kalbo."

"Aayusin ko 'yang damage na ginawa mo. Stay!" utos nito na para akong aso.

Eh 'di stay.

Mabuti at hindi ako nag-gel. Baka pinaliguan pa ako ni Margaux dahil sa inis. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Kung hindi siya masaya sa nakita, baka nga pangit ang pagkakagupit. Hindi ko naman makita ang difference sa style na sinasbai ni Margaux.

Pagkatapos ni margaux ay binigyan niya ako ng salamin. Aba, may nagbago nga. NIlagyan niya ng hati ang buhok ko at inahitan ng manipis na linya. Inayos niya rin ang pagkaka-trim.

"Aba, pogi na," wika ko kay Margaux.

Napabuntong hininga siya. "Kayo nga, bago kayo magpagupit, magtanong muna kayo." Tinitigan niya kami isa-isa hanggang sa tumango kai bilang pagsang-ayon. Lalo na si Jaxx. Hindi nakaligtas si Jaxx.

Kinagabihan, dumalaw ako sa bahay nila Mitch sa unang pagkakataon. May dala akong iba-ibang chips na nabili ko sa Bulacan.

Banana chips, kamote chips, cassava chips, garlic chips, kangkong chips, salted egg potato chips. Isang malaking plastic bag na may stripes na pula at puti ang dala ko nang bumaba ako sa kotse.

Ang sbai ni Mitch ma smaliit ang bahay nila ngayon kaysa sa nasunog. Ang smasasabi ko naman, mukha ng mall ito kumpara sa condo ko.

"Hi!" tili ni Mitch nang papasukin ako ng maid nila. Agad niya akong sinalubong ng yakap kahit nandoon ang daddy niya. Nakatingin sa amin mula sa wheelchair.

"Ugh, 'yong daddy mo," bulong ko kay Mitch.

Hindi ko mabitawan ang dala kong plastic bag dahil sa kaba.

"Good evening po, Sir. Good evening, Mitch."

"Magtitinda ka ba?" tanong ng daddy ni Mitch. Natingin si Mitch sa dala ko. Ako naman, sa hiya ay natawa na lang.

"Para po sa inyong lahat." Binigay ko kay Mitch ang plastic bag.

Sinenyasan kami ng daddy ni Mitch na maupo sa couch na mukhang malambot pa sa kama ko.

"Dad, gusto mong banana chips? Or garlic, or potato or cassava." Nilabas lahat ni Mitch ang laman ng plastic bag at nilatag sa center table.

"Napag-isipan mo na ba Brix kung kukuha ka ng business course?"

Napalunon ako ng malaking tipak ng laway. Napatingin naman si Mitch sa daddy niya.

"Why?" tanong ni Mitch.

"So, he can help you to manage the company," sagot ng daddy niya.

"Why? Hindi ba makakatulong si Brix sa marketing sa course niya ngayon? We need a good marketing, you know. And besides he has a degree in Public Administration. He can handle the HR. At saka Dad, I can do it."

Gusto kong ngumiti sa confidence ni Mitch.

"That is my condition," mariing sagot ng daddy ni Mitch.

"Condition on what?" naiinis namang tanong ni Mitch.

"On marrying you."

Oh! Teka, wala pa kami doon.

"Huh?" Napatingin sa akin ni Mitch.

"Kung hindi sa simbahan ang tuloy nitong pinaglalaban ninyo sa aking relasyon ay maghiwalay na kayong dalawa ngayon pa lang."

Gustong sumakit ng ulo ko sa nangyayari.

Parang gusto ako na ayaw na gusto na ayaw ng daddy ni Mitch. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now