Chapter 16- HOW MUCH

1.3K 148 15
                                    

Brix

Nakatitig kaming apat nila Jaxx, Blaze at Ryker sa contract na naghihntay sa amin na pirmahan. It is a one-day Christmas Party Concert para sa isang company.

Margaux has a sympathetic look for me.

"Huwag na nating kunin," Jaxx commented.

"Okay lang sa akin," wika ni Blaze.

Tumingin sa akin si Ryker. "Ikaw Brix?"

"Parang alam ko na ang mangyayari dito." Tumingin ako kay Margaux. Nakakaunawa siyang tumango.

Christmas Party ito ng company nila Mitch. Malamng ay magkikita kami roon ng daddy niya. Bumalik sa memories ko ang nangyari noon kay Jaxx at Margaux.

We decided to decline the offer.

Galit na galit ang manager naming sa amin. Nakakuha na raw siya ng deposit na ikinagalit talaga ni Jaxx.

"Sinabi ko ng bad news ang babae na iyon, Brix."

"Stop," banta ni Jaxx dito. Pinigilan ako ni Blaze na tumayo. "Mukha ka talagang pera," ani ni Jaxx.

"You have a contract under me. You will take this concert or I will sue you."

"Contract na matatapos na. This will be our last gig under you. We are out after this."

Sumunod kaming lahat kay Jaxx palabas ng studio. Mas galit siya kaysa sa akin.

"Brix... okay lang na hindi ka tumugtog—"

"Harapin na natin 'yan. Kapag pinatagal ko pa, mas lalong lumalala. Kakausapin ko na lang si Michelle."

Mukha lang akong chill pero kinakabahan talaga ako. Nire-ready ko na ang sarili ko sa pang-aalipusta sa akin.

Mitch is also aware that we will play at their party and she's not happy about it.

"I'm sorry, hon. I didn't know," wika niya.

"Okay lang."

"Kakausapin ko ang event organizer."

"Hon, chill. Okay lang. Nagpa-practice na nga kami. Sinabi ko lang sa iyo in case magulat ka, 'andon ang rock start na boyfriend mo."

"I will introduce you formally to my dad, then."

Napabuga ako ng hininga. I know what will happen.

"Cool," sagot ko na lang.

Iniba ko ang usapan at tinanong si Mitch sa maghapon niya. Nagkwento siya nang nagkwento hanggang sa maisantabi ang tungkol sa Christmas Party nila.

Nagpractice kami na parang malaking concert ang gagawin namin. Si Margaux naman ay panay pasukat ng damit sa amin.

"Gagawin mo na naman kaming suman," angal ni Ryker dahil sa masikip na leather jacket na hindi niya matanggal-tanggal.

"Kailangan ninyong maging gwapo," wika ni Margaux.

"Alam naming si Jaxx lang ang gwapo sa paningin mo. Huwag kami Margaux," ani ni Blaze.

"'Wag namang leather jacket, mainit 'yan e,' patuloy na angal ni Ryker.

"Okay ka lang?" pasimpleng tanong ni Jaxx sa akin.

"Okay lang," mahinang sagot ko.

Napabuntong hininga si Jaxx. "Tangina, parang re-enactment ang mangyayari. Alam na natin 'to."

Tumango ako. "Inaabanagn ko na nga magkano ang isusulat sa cheke," biro ko.

"Gago," bulalas ni Jaxx habang umiiling. "Hihiwalayan mo ba?"

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now