Chapter 14- I PROMISE

1.3K 141 12
                                    

Brix

Mukhang basahan si Blaze pagkatapos siyang abutin ng kamao ng mga kapatid ni Star. Laking gulo ng nangyari. Hindi nakapag-explain si Blaze kahit man lamang sandali.

Si Tita Mergie— mommy ni Jaxx— ang nagpilit pa kay Blaze na magpunta ng clinic. Kaya ngayon, tulala si Blaze at tanging kami na lang ang umaakay sa kanya para magpatuloy.

"Hirap magmahal ng mayaman," bulong ni Ryker sa akin at saka ngumuso sa gawi ni Blaze. Nasa bahay kami ni Jaxx dito sa Country Club. Nakatulala sa hangin si Blaze. Hindi na pumasok sa Ateneo kahit anong tawag sa kanya. May kaso pa na sinampa sa kanya at si Jaxx na ang nag-aasikaso pansamantala.

"Kaya ikaw baka lumuha ka ng bato sa shota mo."

Napabuntong hininga ako. Kinakatakutan ko ang araw na malalaman ng daddy ni Mitch ang relationship namin. Nagresearch naman ako tung kol sa kanya. Bukod sa nag-iisang anak si Mitch, sobrang yaman pala talaga nila. Inaasahan ko na ang pagtatanong ng 'Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?'

"Tangina, Brix, tingnan mo na lang si Blaze."

"Mahal ko Si Mitch," sagot ko kay Ryker.

Napahilamos siya ng mukha. "Patay tayo diyan."

"How's Sir?" Mitch asked nang puntahan ko siya sa campus nila.

"Tulala," I replied. "Hindi nagsasalita."

Nakaupo kami sa hood ng kotse ko habang ang mga kaibigan niya naman ay nakaupo sa bench 'di kalayuan sa amin.

"Rose is not okay too." Nahihimigan ko ang pag-aalala ni Mitch. "She has a medical heart condition but she's killing herself on work."

"Ano ba ang nangyari sa kanila ni Lego?"

Huminga ng malalim si Mitch bago nagkwento. "All I know is Rose had a heart transplant. Kyla— Lego's ex-girlfriend was her donor. I assumed Lego got angry with Rose. That Kyla was a devil's spawn when she was alive. Nadamay lang si Rose sa galit ni Lego. Rose doesn't want to make kwento."

"Let her be but be a friend to her, hon."

"I am worried to death. Ken and Rai were always at Jollibee to see her. They said, nagbubuhat pa raw si Rose ng mga deliveries. Ayaw makinig to them. It's not healthy for her."

She took a deep breath to release her tension.

"Brix... promise me you won't give up."

"Why will I do that?" I asked.

Mitch chewed her bottom lips and replied, "My Dad kinda heard about us na."

Parang sinuntok ako sa lungs at hindi agad nakahinga. "And?"

"I am planning to tell him everything if he asked again."

"And you are worried."

"Yeah," she replied. "'Cause I know he will ask me to do something I don't want to do."

Gaya ng lumayo ka sa akin.

"I am always here for you, Mitch."

Tumango siya. "This is the most serious relationship I ever had. It's something I thought I wouldn't find in my life. In my circles, marriage is something for convenience and merging the company. I don't want that for me. I want laughter in my messy house, not the quiet museum house that I live in now. And you gave me hope, hon. But now I am scared that my happiness will be ruined by my selfish Dad."

"Hindi naman ako bata para sumuko Mitch."

"Just promise me you won't give up."

I reached for her hand and hold it tight. "I promise."

Ang bigat ng pangakong binitawan ko kay Mitch ng araw na iyon. Tanging si Jaxx ang nakakaintindi sa akin sa mga oras na ito— sila ni Margaux.

Tuwing gabi, kausap ko pa rin si Mitch hanggang sa makatulog siya. Kung minsan ay sumasa ako kay Raiden at Ken para tumambay sa Jollibee para bantayan si Rose. Doon ko naintindihan paunti-unti si Lego base sa kwento nila. Hindi nga naman madaling tanggapin na kapatid pa pala ni Rose sa ama ang kaibigan ni Lego na nangtraydor sa kanya noon.

Isang araw, habang nasa klase ako ay nag-ring nang nag-ring ang phone ko. Mitch doesn't call me nang hindi siya nagme-message muna sa akin at gano'n din ako but this time, she called right away which means an emergency.

Nag-excuse ako sa Prof ko at lumabas ng room para sagutin ang phone call.

"Hon—"

"Hon, si Rose!" Naghy-hysterical si Mitch sa kabilang line. Halos hindi ko maintindihan ang iba niyang sinasabi.

"Mitch, sandali, huminahon ka. Hindi kita maintindihan."

"Hon, I am at the hospital. St. Luke's Medical Center. If you are free—"

"I'll be there. Hintayin mo ako."

Nagpaalam ako sa Prof. ko at nagdahilan na lang kung kaano-ano ko ang nasa hospital. I drove as fast as I can.

Mitch immediately embraced me and cried when I saw her.

"Pangalawang revive na kay Rose."

I held her until she calms down. Hindi ako nagtanong muna. Hinayaan ko lang siya. Sabi ni Margaux, Mitch will need me. Kaya heto ako, taga-punas ng mga luha niyang hindi maawat.

Hindi raw magiging madali ang daan sabi ni Margaux. Ayaw ko naman ng madali daan kung hindi rin lang kay Mitch ang tungo.

"Tahan na. Hindi gugustuhin ni Rose na umiiyak ka."

Tumango si Mitch sa akin saka huminga ng malalim. Namamaga man ang mga mata at namumula ang ilong dahil sa kakaiyak, siya pa rin ang may pinakamandang mukha at puso para sa mga mata ko.

Grabeng magmahal ang babae na ito kaya mamahalin ko ng higit pa sa ibinibigay niya.

Ears and RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon