Chapter 36- The Calls

973 75 3
                                    

Brix

I have a bad feeling. Hindi ako mapakali sa condo ko. Naroong kunin ko ang gitara ngunit hindi ko naman masimulan ang pagtipa. Napapatingin ako sa labas na madilim na.

Anong oras na ba?

Nine?

Hindi pa ba nakakarating si Mitch? Natraffic ba siya?

Nag-compose ako ng maikling message at sinend. Hindi pa rin ako mapakali. Binaba ko ang gitara at nanungaw sa maliit na balkon ng condo ko.

Hindi pa rin nagre-reply si Mitch. Baka nagdi-drive pa.

"Clingy na kung clingy," bulong ko sa sarili ko. Tinawagan ko na si Mitch. Ring lang nang ring ang phone niya which is strange. Lagi niyang sinasagot ang tawag ko kahit nasaan siya.

I tried to call again pero gano'n pa rin.

Kinabahan na ako.

Nasaan si Mitch?

Tinawagan ko si Rose. Hindi pa naman siguro ito tulog.

"Hello, Brix."

"Rose, alam kong sabay kami umalis ni Mitch kanina pero bumalik ba siya diyan?"

"Hindi. Wala si Mitch dito."

"Okay, salamat."

Lumipas ang oras, alas-dies na ng gabi. Nakailang tawag na rin ako kay Mitch at hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.

"Isang oras pa. KApag hindi sinagot ni Mitch ang tawga ko, tatawagan ko ang daddy niya," wika ko sa sarili ko.

Kay tagal ng isang oras. Habang nakatingin ako sa relo ay kinakain ako ng kaba. Saktong alas-onse nang tumawag muli ako kay Mitch. Gaya kanina ay walang sumasagot sa tawag ko.

Minabuti kong makipagsapalaran na gising pa ang daddy niya. Sinubukan kong tawagan.

Tatlong ring bago sumagot ang daddy ni Mitch.

"Brix, kasama mo ba si Mitch?" ang bungad ni Mr. Salvacion.

"Iyon nga po ang itinawag ko. Nakauwi na po ba si Mitch? Naghiwalay po kami kaninang past six. Hindi po kasi sinasagot ang tawag ko."

"She's not yet home," sagot ng daddy niya. "Nasaan na ba ang batang iyon?"

Tuluyan na akong kinain ng kaba. "Magdi-drive po ako. Baka nasiraan siya sa daan or something."

Or something. My God.

"I'll call the police."

"Sige po, Sir. Tatawag po ulit ako."

Hindi ako nagdalawang isip na magbihis muli. Habang pababa ako ng condo ay tinawagan ko si Jaxx.

"Gabi na," angal ni Jaxx.

"Hindi pa umuuwi si Mitch, pre."

"Huh? Anong oras na ah," wika ni Jaxx.

"Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Wala pa raw sa bahay sabi ng daddy niya, Hinahanap na sa akin. Kanina pa kaming past six naghiwalay. Magdi-drive ako baka nasiraan siya sa daan."

"Pumunta ka dito, Brix. I'll call Gabriel."

"Sinong—"

"Tatawag ako ng tulong."

Nagdrive pa rin ako sa daan na alam kong madalas daanan ni Mitch. Kakaunti na ang kotse sa EDSA, nakauwi na ang karamihan sa bahay nila.

Nasaan si Mitch?

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now