Chapter 10- MISS YOU

1.6K 151 12
                                    

Brix

"Conyobels, may klase ka?"

"Malamang," sagot ni Blaze.

"Nakita mo si Mitch?"

"Nawawala ba?" sarcastic na sagot ni Blaze. Hay, tangina. Naibato ko ng 'di oras ang ballpen ko na hawak. Kung pwede lang sigawan ang gago, ginawa ko. Kaso nasa library ako at pinipilit mag-aral.

"Hindi kasi nagre-reply."

"Malamang may klase. Ang clingy mo pre."

"Kapag ikaw ang nangailangan ng tulong—" banta ko. Natahimik si Blaze sa kabilang line. "Ano ang problema mo?"

"Wala naman. Sige, may klase pa ako." Blaze ended the call.

"Clingy... pfff, gago."

Tinuon ko na lang ang attention ko sa pag-aaral. Pero hindi ko maiwasang tingnan ang cellphone ko at silipin kung nagreply na si Mitch. One-hour pagkatapos ko siyang i-message, sumagot si Mitch sa akin. Kusa akong napangiti.

Mitch:  Hon, sorry. I got class earlier. My prof is too masungit. How's your day?

Me: Okay lang. May quiz mamaya.

Mitch: Go, go, go, white and blue.

Natawa ako ng kaunti. Go Maroons.

Mitch: Ay, kalaban ka nga pala. I forgot, hon. Go Maroons, char.

Me: Can I call?

Mitch didn't answer. She called me right away. Mabuti at nakalabas na ako ng library.

"Hi," bati n'ya. "Miss me?"

"Oo naman. Hindi kita mapupuntahan."

"Okay lang. If you want, I can make lakwatsa to Mapua. Are you in Mapua nga ba?"

Napapangiti talaga ako kapag kausap ko siya.

"Mapapalayo ka," I replied kahit gusto ko siyang makita.

"I haven't been to Intramuros."

"Totoo? Hindi ka pa napupunta sa Intramuros?" Wala ba silang field trip noon?

"Ugh, yeah, I haven't."

Napapangiti ako, tangina. "Kung hindi ka busy—"

"Gosh, I'm not. Mga what time kita pupuntahan?" mabilis na tanong ni Mitch.

"I miss you. One to two hours na lang ang klase ko."

"Great. I will make drive na. See you in a bit. Be good, hon."

Ang bagal ng dalawang oras na klase. Malapit na akong mabuang sa tagal ng pa-seat work. Nag-extend pa ng fifteen minutes ang prof namin dahil exciting daw ang lesson. Ako na gigil na gigil lumabas, pinapakiramdaman ko ang cellphone ko sa bulsa.

At sa wakas ay mag-vibrate ang cellphone ko, nagtaas ako ng kamay sa Prof ko at nag-excuse na lalabas na.

"Saan ka pupunta, Mr. Gonzales?"

"May appointment ako, Sir. Late na ako ng..." tiningnan ko ang relo na suot ko. "...fifteen minutes. Sige, Sir."

Nagmamadali akong lumabas ng classroom at tiningnan ang cellphone ko.

Me: I'm so lost. Can you locate me?

I decided to call my girlfriend pero nahinto ako sa pagtawag nang maisip na baka manakawan siya ng phone. So, in the end, I locate her phone.

Natagpuan ko siya sa parking na malayo sa pinag-parking-an ng kotse ko.

"Mitch," tawag ko sa kanya. Nakaupo siya sa hood ng kotse niya at tinitingnan ng mga estudyante.

"Hon." She looks glad to see me. Yumakap pa siya sa akin nang makalapit ako sa kanya.

"So, ito pala ang Intramuros." She looks amused while we are walking. Magkahawak ang mga kamay namin habang tinuturo ko sa kanya ang part ng history.

"Amazing..."

"Musta ka naman?"

"I'm okay. Thanks for asking. It's just boring sometimes. With everything going on. Star is busy, Rose is busy and I don't have friends besides them. I met Star's brother and his friends pero alam mo 'yon? It's just lonely sometimes."

"Wala kang ibang kaibigan?"

Umiling si Mitch. "I can't find true friends in my circle. Everyone has their motives. I envy you and your friends sometimes. I like that kind of friendship. I like Star and Rose, though."

"Sa tingin ko naman kaibigan na rin ang tingin nila sa iyo."

Ngumiti si Mitch kaya napangiti rin ako.

"Kapag may problema ka, pwede mong lapitan si Blaze."

Natawa si Mitch. "He is so masungit."

I snorted. "Front n'ya lang 'yon."

Game si Mitch sa tuwing hihingin ko siyang mag-pose. Kahit yata kurtina ang isuot niya, bagay pa rin sa kanya. Ang simpleng dahon ng halaman ay naging mamahalin nang gamitin niyang props sa picture.

"Malapit ng gumabi. Kailangan mo ng umuwi," wika ko ng makaikot na kami sa Intramuros at nasa tapat na kami ng kotse niya.

"I had fun. Thank you."

"Ingat sa pagmamaneho," paalala ko.

"You too," sagot niya.

Sinenyasan ko siyang pumasok na sa kotse niya. Alanganin siyang sumunod. Pinanood ko siya sa pagsakay ng kotse niya but before niyang mabuksan ang pintuan ay humarap muli siya sa akin at lumapit. Hindi ko ine-expect na hahalikan niya ako.

Smack lang naman. Kasing bilis ng pagkurap ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Thank you for this day," nakangiting wika ni Mitch. Natulala ako pansamantala. Natauhan ako nang makasakay na siya sa kotse niya at kumakaway sa akin.

"Message me when you reach home," paalala ni Mitch bago tuluyang nakalayo.

Naiwan ako sa parking na parang pusa sa laki ng pagkakangiti.

——————
A/N
Tagal ko nang walang Author's note na nilalagay. Nakakamiss din pala. I feel generous today kaya kahit Sunday may update.

Ears and RhymesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang