Chapter 4- GRADUATE

2K 135 2
                                    

Brix


"Tara, samahan mo ako," yaya ni Ryker sa akin.

"Busy ako," I replied. Busy sa kaka-cellphone.

"May ka-meet tayo ngayon," pangungulit nito. Napabuntong hininga ako at humarap kay Ryker.

"Busy ako."

"Ano ba 'yang ginagawa mo, kupal ka?" tanong nito. Inagaw niya ang cellphone ko at nagtatakbong papunta sa banyo. Hindi ko nahabol ang gago.

"Hoy, tarantado." Pinagkakatok ko ang pintuan ng banyo. Narinig kong tumawa si Ryker.

Patay na.

"Hayop ka, Brix."

Hinintay kong lumabas ng banyo si Ryker na tumatawa.

"Conyobels... ayiie. Tangina, stalker na stalker ka ah."

"Cute kasi," naiinis na sagot ko. Inabot ni Ryker ang cellphone sa akin. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sofa ng maliit kong condo.

"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Hindi," sagot ko.

"Tara na... meet na natin 'tong babae na 'to."

Hay, tarantadong Ryker 'to. Wala akong nagawa kung hindi samahan.

Sige, maganda ang babae at ang tropa nito in an odd way. Ang kapal ng make-up, kasing kapal ng foam ng bra na suot.

Sige, toma. Mamaya ah, lupaypay kayo.

"Saan kayo nag-aaral?" tanong ni Ryker.

"Hindi kami nag-aaral," sagot nila.

Alam na this... ayaw namin sa mga hindi nag-aaral kahit may way makapag-aral. Ganto, let me explain bago n'yo ako sabihan ng kupal.

Iba ang walang pampaaral sa ayaw mag-aral. Iba rin ang hindi makapag-aral kaysa sa tamad mag-aral. Ngayon kung ang sagot ninyo sa tanong namin na nag-aaral pa kayo ay 'Hindi kami nag-aaral' pero may pangtambay kayo sa BGC... sabihan ninyo man akong judgemental pero turn off ako.

"Ahhh..." wika namin ni Ryker. Inubos namin ang beer at nagpaalam na rin kami. Iniwan namin sila sa BGC.

"Mukhang may booking," comment ni Ryker.

"Uuwi na ako," wika ko.

"Teka lang—" pigil ni Ryker sa akin. "Hanap tayong iba."

"May usapan kami ni Jaxx bukas ng umaga. Matutulog na ako."

"Saan? O.P ako, tangina. Hindi ako kasama?"

"Graduate ka na, gago. Magmamasteral ka?"

"Babalik ka sa UP?" hindi makapaniwalang tanong ni Ryker.

"'Oy, incomplete lang ako kaya hindi ako naka-graduate. Napasa ko na ang requirements ko. Kukuhanin ko ang diploma ko bukas."

"Bahh... sige pala. Maiwan na lang ako. Kaya mong umuwing mag-isa?"

"Mag-grab na lang ako. Ingat ka kupal," paalam ko kay Ryker. Naghiwalay kami sa BGC at ako ay umuwi na sa condo ko sa QC.

Nagmumukmok ako sa kwarto ko habang tinitingnan ang IG ni Michelle. Ang cute lang talaga niya. May bago siyang post at naroon si Blaze. Mukhang namumukid ang mga ito. Ano kaya trip ni Blaze at dinala sa kabukiran ang mga anak mayaman?

"Tantado ka rin eh, Blaze," bulong ko. "Lalamukin ang mga estudyante mo d'yan."

Nakatulugan ko ang pagscroll ng IG ni Michelle. Ang dami kasing picture... ang daming gala... ang daming YOLO moments.

Kinabukasan ay nagkita kami ni Jaxx sa UP.

"Hindi ka magpapapicture?" tanong nito. "Papicture ka, pre. Graduate na eh."

"Saka na," sagot ko.

"Ano balak mo n'yan?" tanong ni Jaxx.

"Mag-e-enroll ako."

Nangiti si Jaxx.

"Film," I replied to his silent question.

"Nice... tawagin na ba kitang direk?"

"Namo ka. Tara, samahan mo akong mag-inquire. Nandito na rin lang tayo."

"Sa Mapua merong Digital Communication course. Gusto mong mag-try?" tanong ni Jaxx.

All-out support si Jaxx sa balak ko. Dati kasi... walang-wala eh, hindi ko kayang kuhanin ang gusto kong course. Ngayon, may kaunting ipon, may kaunting narating, pwede ko ng abutin ang gusto ko. Ang mag-direk ng concert or movie or anything in the film.


Wala kaming magawa ni Ryker sa studio kaya naisipan niyang puntahan si Blaze at guluhin. Pinakita ko kasi kay Ryker ang palitan ng post na nakikita about Blaze and Lovely.

Tinawagan muna namin si Blaze para malaman kung nasaan ang kupal.

"Nasa Ateneo ako."

"Ay, perfect. Pupunta kami d'yan Sir Blaze," sagot ko.

"Hindi ba kami mapapagkamalang kidnapper ni Brix?" tanong ni Ryker.

Natawa si Blaze at sinabihan kaming hihintayin niya kami.

Nagkalat ang mga student na parang may singaw kung magsalita. Sagana sa letter h ang mga words nila dito. Pinipigilan naming tumawa ni Ryker at nakikita iyon ni Blaze. Isa lang naman talaga ang puntirya ko kung bakit ako nandito. Baka sakaling makita ko si Michelle.

"Chiong, bakit mukhang badtrip ka?" Ginaya ni Ryker ang pagsasalita ng mga student pero hindi namin mapangiti si Blaze.

"Kailan aalis si Drake?"

"Whoa... teka lang. May decision ka na?" tanong ko. Tumango si Blaze.

"And?"

"Babalik ako," sagot nito.

"'Yon, tangina—" Napatakip ako ng bibig nang may lumingon na student sa gawi namin. Akala ko magsusungit nang biglang...

"OMG, Overdrive," tili nito.

Nagkatinginan kami ni Ryker. Ready na kaming tumakbo kung magkakagulo pero sosyal nga ang mga ito kaya hindi nagkagulo. Naki-selfie lang sila sa amin.

"Shit, pa-picture kami. You make pindot here." Binigay ng student kay Blaze ang cellphone niya at ang laki ng ngisi namin ni Ryker sa picture dahil sa nakasimangot na si Blaze. 

Ears and RhymesWhere stories live. Discover now