Chapter 6- THAT SONG

1.9K 157 16
                                    

Brix

"May practice daw kayo today, guys?"

Bakit ang cute niyang magsalita?

Siniko ako ni Ryker. "May tinatanong si Mitch."

"Ano 'yon, hon?" tanong ko kay Michelle na ikinatawa niya.

"Why so fast... Mitch muna. Tomorrow mo na lang akong tawaging hon."

Natawa ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero putangina, natutuwa ako sa kanya.

"Baka Sir Blaze will say marupok ako, gano'n." Tumawa si Mitch kasabay nang paglingon ni Blaze sa amin.

"Ano na naman—"

"Diyan ka lang. Nag-uusap kami dito, hindi ka kasali," pangbabara ko kay Blaze. Pagagalita na naman niya si Michelle. Gago 'tong Blaze na 'to. Mag-uusap kami mamaya.

"So, guys, do you have gigs... like umm in Rockwell or BGC?"

"Why hon, gusto mong mag-watch?" tanong ko na ikinatawa ni Ryker at Drake.

"Ang bilis mahawa," comment ni Drake na ikinatawa rin ni Mitch.

"Oh gosh, Rose said that my way of speaking is like virus daw."

Ang cute n'ya talaga.

"Yeah, I wanna watch. I am a fan," she said smiling.

"Nang bass player?" hopeful na tanong ko na nakatanggap ng isang mahinang batok galing kay Ryker. Mitch chuckled but didn't reply.

"But you can play guitar too?" tanong niya sa akin. I assumed na ako lang talaga ang kausap niya kahit nakikisabat si Ryker.

"Yeah, I can."

"Really? Can you play? As in now? Hindi naman ako demanding ano?"

Ehem... "Ryker, pakikuha ang gitara."

"Jaxx, gitara raw," sigaw ni Ryker.

"'Di n'yo kunin," sagot ni Jaxx na comfortable na nakaupo katabi ni Margaux.

"Blaze, tumayo ka nga at kuhanin mo ang gitara." Nagtago sa likod ko si Ryker at tumawa.

"Ilan?" tanong naman ni Blaze.

"Tig-lima tayo," sagot ko. Pati si Mitch ay nagtakip ng bibig para hindi siya makita ni Blaze na tumatawa.

Sumunod naman si Blaze at pumasok sa bahay nila Jaxx.

"Inutusan n'yo si Sir. Mawawalan ng dignidad 'yon," biro ni Margaux.

"Kaya niya 'yon. Malaki ang mga muscles niya," sagot ni Ryker. Tatawa-tawa si Lovely na katabi ni Margaux.

"What song do you want to hear?" seryosong tanong ko kay Mitch na mas lalong ikinatawa ni Drake at Ryker.

"English-ero na, pre." Napamalita agada ako si Drake kay Jaxx na nasa kabilang dulo.

"Conyo na ba?" sakay ni Jaxx.

"Konti na lang, lilipat na 'to sa Atneyow," Ryker replied that made Mitch giggled.

"You are studying ba?"

"Graduate na ako but yeah, different course," sagot ko. Hindi ko na pinakinggan ang side comment ni Ryker.

"UP pa rin? Near lang ang UP at Ateneo," she asked.

"Mapua."

"Aww... ang layo."

"There's a thing called LRT," sabat ni Ryker.

"I haven't tried," nakakunot noong wika ni Mitch.

"Kaya traffic sa Katipunan eh, tig-isa pa kayong sasakyan."

"True," tumatawang sagot ni Mitch kay Ryker. "Kasi naman 'di ba... ang hassle naman if you want to hitch with your barkada then you are the third wheel. So ayon, bring your own na lang."

"Is it true ba na you use Macbook as a tray? Tangina, bakit gano'n na akong magsalita?" Natawa kami kay Drake. Mitch giggled again.

"Alam mo, now that you've asked...Yeah, parang sort of," tumatango-tangong sagot ni Michelle. Mukha pa siyang naguluhan na ginagawa nila 'yon.

Ang cute.

Lumabas si Blaze ng bahay na may dalang tatlong acoustic guitar. Kinuha ko ang isa, at binigay niya kay Jaxx ang isa. Naupo si Blaze sa tabi ni Lovely dala ang isang gitara.

"What song, hon?"

"Gosh... Ikaw ha, I might believe you. Stop calling me hon. Pero do you sing?"

"Si Blaze lang ang sintunado sa amin," I replied.

"Hindi ah," tanggi agad ni Blaze na ikinatawa ni Margaux.

"Just sing the song that you wrote," hiling ni Mitch. Nag-isip muna ako bago ko tinipa ang gitara.

It breaks the silence

When you turn around

When the light shines your face

More I'm becoming

The last one who's falling

Have I been waiting for your love

Sumasabay si Mitch sa pagkanta ko— mahina ngunit alam niya ang lyrics. Ewan ko, bakit ikinasiya ko 'yon.

In your words, in my ears and rhymes

"You wrote that?" she asked with a twinkle in her eyes.

"Yeah," maikling sagot ko.

"Gosh... it's one of my favorite songs."

Ewan ko rin bakit parang may mainit na something sa puso ko na naramdaman nang sabihin niya iyon.

"Para kanino?" Michelle asked which made me think.

"Para siguro sa 'yo," I replied that earned catcalls from Ryker and Drake.

"Seriously, is it for your girlfriend?"

"Walang akong girlfriend, hon. Hi, I'm single too."

Natawa si Michelle. "Yeah, I was... too star-struck to meet you earlier. That was foolish."

"Cute kaya," mabilis na sagot ko.

"So para kanino nga?" pangungulit niya.

"Baka nga para sa iyo, hinihintay ka lang. Wala namang nag-mamay-ari ng kanta na iyon."

"Ano ba..." Hinampas ako ni Michelle sa braso. "Parang sira 'to."

"Malapit ka na bang maniwala?" biro ni Drake kay Michelle.

"Malapit na, char," tumatawang sagot niya.

Ears and RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon