Epilogue

129 5 2
                                    

Epilogue


"You're so early! Come in," Pinapasok ko si Prince sa loob ng bahay namin. 


This is his first time coming inside our house legally. Gagala kami kasama ang barkada kaya susunduin niya 'ko kaso maaga siya masyado, hindi pa 'ko nakakapagbihis!


"Nand'yan ba yung lolo mo?" Tanong niya habang iginigiya ko siya papuntang living room.


Kunot noo ko siyang tinignan. "At bakit mo naman hinahanap ang lolo ko? Upo ka muna dito, magbibihis lang ako."


"Ha? Iiwan mo 'ko dito? Hindi ba pwedeng sa kwarto mo nalang ako maghintay?" He seated like a good boy yet complained naughtily.


"Gusto mong habulin ka ng itak ni lolo?" Pananakot ko.


"Nand'yan siya?" He asked again very seriously.


"Lo, may naghahanap sa'yo dito!" Mabilis naming nilingon si kuya Dylan na biglang sumigaw sa likod ko.


"What the hell, kuya?" He's so annoying!


Nginisian niya kaming dalawa saka mayabang na lumapit. "May bisita pala tayo."


"Bisita ko lang, so kuya please, your presence is not needed here. Tsupi!" Taboy ko pero hindi niya 'ko pinansin. Nakatutok ang tingin niya sa bisita ko.


Prince stood up to introduce himself. "I'm Prince Silvestre. You're Dylan, right? It's nice to meet you, bro." Lahad niya sa kanyang kamay.


Napairap ako nang titigan niya muna ng ilang segundo ang kamay ni Prince bago niya ito tinanggap. "The pleasure is... hers." Turo niya sa'kin saka tumawa.


"Oh, then I'm very honored to pleasure her." Gumanti ng ngisi si Prince.


Nahilot ko ang aking sentido. Nagkaharap ang dalawang baliw.


"Kuya can you go away?" Pumagitna ako upang ilayo si Prince sa kanya.


"What?" He keeps laughing.


"Leave your little sister alone, Dylan." Lolo suddenly appeared behind him.


"Lo, nandito ka na pala! Hahaha!" Dylan.


"And who is this young man right here?" Lumapit siya sa amin.


"Good morning, Mr. Alcantara. Ako nga po pala si Prince Silvestre. It's a pleasure to meet you, sir." Prince formally introduces himself.


"Prince... hm," Mabilis niyang inobserbahan si Prince. "I'm Jacinto Alcantara, Adah's grandfather. Are you one of her friends?"


"Uh..." Nag aalinlangan niya 'kong sinulyapan.


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now