Chapter 56

62 2 0
                                    

Chapter 56


Balang Araw


Adah


"Augustus!"


Walang pag aalinlangan kong sinubukang tumakbo papunta sa kanya ngunit bago ko pa magawa ay naramdaman ko na ang kamay na humawak sa paa ko na pumigil sa aking makaalis. Pagtingin ko ay isa ito sa tatlong lalaking napatumba ni Augustus kanina! Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. He still can't stand but his grip on my ankle is quite strong!


Muli kong nilingon si Augustus. Thankfully, nagawa niyang iwasan ang patalim na muntik nang isaksak sa kanya nung lalaki. He simply grabbed his lower arm then twist it kaya nabitawan nito ang hawak niyang panaksak. He then punched him near his nose, dahilan kung bakit natumba ang lalaki.


When he looked back at me, rage filled his face the moment he saw me struggling to get out of the guy's grip on my foot. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at sinipa ang ulo ng lalaki.


"How dare you touch her!" Sigaw niya.


The guy finally lost his grip on me ngunit hindi nakuntento si Augustus. Walang awa niyang pinagsusuntok ang mukha nito kahit nakahiga't hinang hina na. Nilapitan ko siya upang pigilan.


"Augustus tama na 'yan. Umalis na tayo dito, please." Pagmamakaawa ko, hinawakan ang braso niya. Tinigilan niya ang pagsuntok sa lalaki't nilingon ako.


"Sige, aalis na tayo." Seryoso niyang sabi, hinihingal parin dahil sa ginawa niyang pambubugbog.


"Ikaw!" Baling niya sa natirang kasama nilang nakatayo pa. He looks like the weakest among them all at nakikita ko sa kanyang mukha ang takot na kahit lumapit ay hindi niya magawa. "Papalag ka pa?"


Umatras ito't takot na umiling.


Bumuntong hininga si Augustus. "Let's go." He stated as he pulled me by my forearm, leading me to their car.


Nang marating namin ang kanilang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi ako pumasok at tinignan ko siya ng may pagtataka.


Nginisian niya ako, biglang nawala ang galit na nanguna sa kanya kanina. "Get in. We won this fight, Adah. So just think of this as our prize." He winked.


"Still. This is not yours to drive."


"I don't care." Mahinang tawa niya. "I will have it my way. So just get in, unless gusto mong buhatin pa kita."


Sinamaan ko siya ng tingin saka nalang nakasimangot na sumakay tulad ng gusto niya. Isinarado niya ang pinto at lumipat sa driver's seat.


"You'll pay for this, bastard!"


"Hindi pa tayo tapos!"

That Villain Is My PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora