Chapter 70

41 2 0
                                    

Chapter 70


Annoying


Adah


"Don't meddle with my business again. Naiintindihan mo?" Prince warned without looking at Clarise.


"Pero Prince, I'm just concerned about you." Clarise.


"Ano ba kita?!" Inis na baling niya rito. "I don't need your concern. What I need is for you to leave me alone!" Frustrated na ginulo ni Prince ang buhok saka tinalikuran kaming lahat. Hindi pa siya masyadong nakakalayo ay napatigil siya at muling nilingon ang babae. "I'm sorry about your phone. Babayaran ko nalang." Aniya saka na tuluyang lumayo.


Ang hindi ko inaasahan ay lumabas siya ng auditorium.


San pupunta 'yon? Gusto ko siyang sundan.


"Clarise okay ka lang?" Pinalibutan ng ilang members si Clarise at kinamusta.


Ang mga kaibigan ko naman ay pumunta sa akin at nangamusta rin na kala mo naman nanggaling ako sa bakbakan.


"Adah..." Si Isko na hindi ko namalayang lumapit pala sa amin. "Magkaaway pala kayo ni Prince? Ayos lang ba sa'yong makasama siya? Baka hindi ka komportable?"


Zeya, Thea, Aian and ate Ella looked at him weirdly. Nagtinginan sila.


"Hoy Isko, seryoso ka ba talaga kay Adah?" Nagulat si Isko sa deretsahang tanong ni Zeya.


"Zey." Pigil ko sa kanya.


"Oo nga, napapansin kita lately a? Sulpot ka nang sulpot." Althea.


"Anong motibo mo sa bunso namin ha?" Aian.


"Guys, please this is not the time for this." Isa isa ko silang tinignan habang si ate Ella ay napapailing nalang.


"I like Adah!" Natigilan ako sa sinabi niya. "I really do. At gusto kong manligaw!" He stated with certainty but the anxiousness is evident in his voice.


Nilingon ko siya. "Isko..." I started pero kaagad niyang pinutol ang pagsasalita ko.


"I'm serious about you, Adah. Please 'wag mo akong ireject nang wala pa 'kong nagagawa. Let me prove myself to you!" Pursigido niyang sabi.


I appreciate him, really. But...


"I'm sorry but this is too sudden. I can't deal with this right now." Nilayasan ko sila.


Pumunta 'ko sa likod malapit sa bukana ng auditorium. Doon ako mag isang naupo. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagrelax. Gusto ko na sanang lumabas ng tuluyan kaso hihintayin ko pa si Prince.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now