Chapter 37

37 1 0
                                    

Chapter 37


Alipin


Prince


"Travis, I still have class."


"Maaga pa naman e. Dito ka muna please." Travis.


"My friends are waiting for me!"


"Lagi mo naman silang kasama, bebe ko. Ako muna ngayon, hm." Travis.


"Ano ba 'yan, lumayo ka nga."


Dinig na dinig ko ang paghaharutan ng dalawa sa tabi ko. Ang pamimilit ni Travis at naiiritang boses ng nililigawan niyang si Cocoa.


Dumilat ako mula sa pagkakatulog at sinalubong ang sikat ng araw na tumama sa aking mga mata. I blocked the sunlight using my hand. Kaninang humiga ako rito sa gitna ng soccer field ay madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw.


"Buti naman at gising ka na dude!" Tamad akong umupo at hinarap ang mga kaibigan ko.


Travis is clinging on Cocoa's arm as if it's his supply of oxygen to breathe in. While the girl is busy texting with someone. Ford is just sitting there with his guitar, playing God knows what.


"Am I late for class?" Tanong ko kahit kita ko naman na halos wala pang tao.


"Nope. Maaga pa naman, OA lang kayo nitong bebe ko." Aniya sabay halik sa pisngi ni Cocoa.


Ang aga aga kung anu anong kababuyan ang nasisilayan ko!


"Ugh!" She tried to get out of Travis' grip. "Nakakainis ka!" Hambalos niya sa ulo nito gamit ang isang libro nang hindi makaalis. "Hinahanap na 'ko ng mga kaibigan ko Travis!"


"Sandali lang, ipapakilala muna kita." Malambing niyang sabi. Nakakasuka siya, bwiset! "Ford, Prince, girlfriend ko nga pala, si Roah."


Oh. Roah, right. Napakilala niya na 'to minsan samin. Pagkakaiba nga lang, bilang girlfriend naman ngayon. Talagang nagpaloko a?


"Okay." Ford.


"Walang poreber." Sa amin lang ni Adah may ganon.


Napalingon sa akin si Roah dahil sa sagot ko saka siya mahinhin na tumawa. She looks prim and reserved pero nagiging sadista kapag kasama ang kaibigan ko. Kung maka kapit naman kasi 'to dinaig pa ang tuko. Napailing at natawa nalang ako.


"Ooh, I love your accent. Can you say that again?" Ford jokingly stated in a seductive voice.


"Poreber." Ulit ko naman sa mas dama at mabagal na paraan.


Pareho kaming natawa sa kabalastugan namin. Ewan ko ba pero bentang benta sa'kin ang Filipino accent jokes na 'yon. Ang babaw na yata ng kaligayahan ko?

That Villain Is My PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora