Chapter 67

38 1 0
                                    

Chapter 67


Gulo


Adah 


"Look who's here." Katatapak ko palang sa school ground nang harangan ako ni Clarise kasama ang isa pang babae. "If it isn't little miss perfect Laura wannabe."


"Excuse me?" Naguguluhan kong sabi.


Problema neto?


"Hindi ko talaga inakala..." Clarise.


"Hindi inakala ang alin?"


"Who would've thought, huh? Nagsisisi akong ipinagsawalang bahala ko." Clarise.


"I don't understand what you're saying, Clarise."


"You're a transferee, right? Baguhan ka palang?" She said like it's disgusting to be a newbie.


"So? Is there something wrong with that?"


"Well, yes! Kase baguhan ka lang pero ang lakas lakas na ng loob mo!" Clarise.


"Teka nga... ano bang ginawa ko sa'yo?" Tanong ko, nagsisimula nang mainis.


Kapapasok ko lang ganito na agad? At ito ang unang beses na may humarang sa'kin sa ganitong paraan!


"Hindi mo alam?" Yung isang babae. "Una, nagpasikat ka sa auditions nung Buwan ng Wika kaya karamihan ng mga lalaking nagkaka crush sa kanya lumipat sa'yo! Pangalawa, tinalo mo siya sa mismong singing contest! Pangatlo, yung kahapon! Maraming may boto sa'yo bilang Laura kaya napag iiwanan 'tong best friend k--"


"Kristel!" Pagpigil niya sa kaibigan. "Shut up! Hindi ka nakakatulong, okay!"


Hindi ko napigilan ang sariling matawa kaya nilingon nila 'ko.


"You guys are ridiculous."


"Hindi ito tungkol sa sinabi niya. This is about Prince!" Clarise.


Prince?


"Ah! Oo nga pala si Prince!" Kristel awkwardly laughed at her friend. "Akala ko kase tungkol sa issues mo sa kanya, besh hehe."


"Anong meron kay Prince?" Napapalunok kong tanong.


"I should be the one asking you that." Pagmamaldita niya. "Anong meron sa inyo ni Prince?"


"Oo nga! Anong meron sa inyo ni Prince?" Kristel.


"Wala." Diretsong sagot ko. "Can I go now?"


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now