Chapter 74

38 1 0
                                    

Chapter 74


For me


Adah


"Manong kila Zeya po tayo." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan.


Maayos kaming naghiwalay ni Prince sa pagkakataong ito kaya aasahan kong magiging okay na kami sa susunod pa. I still need to make an effort though but at the same time, I need to limit my actions as well. Dapat maging close kami na sapat lang sa pagiging magkaibigan at hindi na lalampas don!


Inilabas ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Augustus sa contacts. Ilang araw kong tiniis ang hindi siya tawagan dahil nag aalala 'ko na baka kailangan niya muna ng oras pagkatapos ng ginawa kong pagreject sa kanya nung isang gabi.


At isa pa hindi normal sa aking kumustahin siya dahil siya parati ang nauunang nagmemessage o tumatawag. Pero ngayon... nag aalala na talaga 'ko! Kailangan kong malaman ang kalagayan niya dahil hindi ako mapapalagay.


I want to know if he's okay. Kung may sakit ba siya, kung paanong nasa bahay na siya nila Prince, basta kung kumusta na siya!


After two rings, he answered.


"Hello?" Tsk. Sa simpleng 'hello' niya, ramdam na ramdam ko ang hina ng loob.


"Are you still with Prince?" Paninigurado ko muna.


"No. I'm in my room, alone." Augustus.


"Care to tell me what happened?"


Narinig ko siyang malungkot na bumuntong hininga. "I'm sorry hindi kita nasabihan. It's just that, everything's been going crazy lately and... my life is a mess, Adah."


"You could've told me. Hindi ba magkaibigan tayo? I tell you almost everything about me pero ikaw..."


"I don't wanna trouble you with my problem. And I'm not at my best at the moment so I don't think I deserve to waste your time." Augustus.


Ano ba namang klaseng dahilan 'yan?


"Even if you're at your worst, my time would never be wasted if it's for you. Sa tingin mo ba pag aaksayahan kita ng oras kung iniisip kong nasasayang lang 'yon? 'Wag ka ngang magdrama d'yan, hindi bagay sa'yo!"


"Talaga?" Sa tono ng boses niya ay alam kong napangiti siya. Psh!


"That's why you should count on me. Nandito naman ako para sa'yo a? If your life's mess... then come to me for a moment and take a pause of everything. I know I can't always make you laugh, hindi ko rin alam kung kaya kong pasayahin ka, but I can be your best companion, you know? Through good and bad times. I'll stay with you."


To be honest hindi ko na alam kung ba't ko sinasabi ang mga 'to. The words just come out of my mouth naturally.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now