Chapter 62

43 1 0
                                    

Chapter 62


Club


Adah


"Well, this is new... and weird if I may add." Althea.


Nilingon ko si Althea na nagsalita sa likuran ko. Kasalukuyan kaming nasa locker room at nakatayo sa harapan ng akin. Sumunod sa tabi namin ang tatlo.


"Anong trip 'yan?" Ella.


"Death threat?" Zeya.


"Red card ng F4, black version?" Aian.


Muli ay ibinalik ko ang aking tingin sa loob ng locker.  There's this one weird black envelope inside, ibang iba sa usual na dinadatnan ko araw araw. Madalas kase ay light colors parati na halatang love letter ang laman. Ang matindi pa, may kasama 'yong cookies at isang bote ng gatas!


"Pinagbaon ka yata ng mom-- daddy! Daddy mo hehehe." Si Aian. Hinampas siya sa balikat ni Zeya bago pa matapos ang pagbanggit niya sa mommy. Tss.


Dinampot ko ang envelope saka walang pag aalinlangan itong binuksan. May tatlong itim parin na cards sa loob at silver na ink ang ginamit na pansulat.


First card:

'Pwede ba kitang ligawan?'


"Kanino galing 'yan?" Napapaisip kong tinignan si Zeya.


"Hindi ko alam..." ...pero may isang taong pumasok sa isip ko.


Kaso malabo rin e.


"Whoever it is, don't tell me ninakaw niya yung ibang letters mo at tinira ang kanya?" Natatawang sabi ni Althea.


Oo nga? Marami pa 'kong hindi naiuuwing letters at nakatambak lang sila rito sa loob ng locker ko. But now they're all gone at ito nalang ang natira.


May kutob talaga 'ko e! At paano niya 'to nabuksan?!


Second card:

'Sige na nga liligawan na kita!'


"What the hell?" Hindi makapaniwalang bulong ko sa aking sarili.


"Matindi." Tumatango tangong komento ni Zeya.


"Mukhang siya pa 'tong napipilitan a? Hahaha!" Althea.


"Gwapo ba 'yan 'be? Kung oo imeet naten para masaya!" Aian.


"Ayooon. Kahit weird, kung gwapo naman, imimeet mo. Kung panget, iiwasan? Irereport ganon?" Ate Ella.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now