Chapter 88

66 4 0
                                    

Chapter 88


That villain is my prince


Adah


Matapos kong marinig pag uusap nina Prince at Sophie ay mabilis akong bumalik sa loob ng bar at nagyayang umalis bago pa kami makita ni Prince.


Kinabukasan, pag pasok ko palang ng bahay galing kila Zey ay sinalubong na ako agad ni Sophie. Sabi niya after ko daw mag ayos ay sundan ko siya sa poolside at mag uusap kami. Kaya 'yon nga ang ginawa ko.


Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa nangyari kagabi. Pero ang hindi ko inaasahan ay nung paglabas ko palang ng double doors ay sinalubong niya na agad ako ng napakahigpit na yakap!


"Couz' I'm so sorry!" She cried on my shoulder. "I didn't mean to hurt you, patawarin mo 'ko, naging bitch ako sa'yo. I was such a horrible cousin, you don't deserve all the bad things I made you feel. I'm sorry for being selfish. Prince already told me everything and I should've realized all the sacrifices you made sooner. I should've realized how lucky I am to have you. Hindi na kita pipigilan, do what your heart tells you to, I'm so sorry--"


"C-Couz', shh, it's okay, it's okay." Pagpapatahan ko sa kanya.


Kumalas siya sa yakap upang harapin ako. "I'm sorry, you know how much I love you, right? You are still my favorite person in the whole world, okay? Tandaan mo 'yan mahal na mahal kita, Adah." Aniya habang hawak ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.


"I love you too, Sophie. Sobra sobra."


"I know, and I'm sorry that I hurt you. If you and Prince like each other so much, hindi na 'ko eepal, I promise." Sophia.


Natawa ako sa sinabi niya. "I forgive you, couz'. Bakit ka ba nagkakaganyan?" Tanong ko kahit alam ko na naman ang dahilan.


"Prince and I talked last night. He made me realize how stupid I am for treating you like this, I'm so--"


"Shh." Mabilis ko siyang pinigilan bago pa siya makapagkwento ng mahaba. "That's enough. I forgive you."


"P-Pero may isa pa 'kong kasalanan sa'yo. At hindi ko alam kung mapapatawad mo parin 'ko." Sophia.


"Ano 'yon?"


"This." Nilabas niya ang isang papel galing sa kanyang suot na jacket at inabot 'yon sa'kin.


Nagtataka ko siyang tinignan saka ko ito tinanggap. It's a letter. I opened it and started to read right away.


"Dear Adah,

Hi! Ako nga pala si King Augustus Silvestre, Prince's twin brother."


Gulat kong tinignan ang pinsan ko pagkabasa sa unang linya. Ngunit nagpatuloy din ako kaagad.

That Villain Is My PrinceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora