Chapter 65

43 1 0
                                    

Chapter 65


Role


Adah


"Ngayon! Maaari ko bang malaman kung ano ang inyong naging basehan sa pagpili ng kapareha? Let's start with you, Kurt." Miss M.


Simple lang ang tanong niya pero kinabahan ako. First, I didn't choose anyone. Ni hindi ko nga alam kung sino sa dalawa ang 'partner' ko e! Second... handa ba 'kong marinig ang magiging sagot ni Prince kung bakit si Clarise ang pinili niya... samantalang nandito naman...


Oh, shut it, Adah!


"For me, sa tingin ko obvious naman." Ngisi niya, sumulyap pa sa'kin. "To be honest, at first akala ko maganda lang siya. Pero sa ipinakita ni Adah kanina, napahanga niya 'ko... ng sobra sobra. So I want to get to know her more. Sa tingin ko magkakasundo kami at maraming matututunan sa isa't isa."


"Okay. Adah?" Miss M directed to me. "How about you? Sino sa dalawang binatang ito ang napili mo?" Ngiti niya.


"Uh..." Mabilis ko silang sinulyapan sa magkabilang gilid ko. Isko is smiling widely at me. Kurt is also smiling pero sa harap siya nakatingin. "Si Kurt po." Inilahad ko ang aking kamay sa gawi niya. "He seems calm and his aura screams professionalism. I haven't seen him act yet pero sa paraan ng pagkilos niya, parang sanay na sanay na siya sa ganitong larangan. So sa tingin ko po marami akong matututunan sa kanya."


Tumango tango siya sa sagot ko.


He reminds me of someone actually. Hindi ako magaling kumilatis ng tao kaya ang isa sa mga kaibigan ko nalang sa dati kong eskwelahan ang pinagbasehan ko sa panghuhusga sa kanya. Tutal ay parehong pareho sila kung kumilos.


"Francisco. Your turn." Miss M.


"Ahhhh..." Nahihiya siyang ngumiti. Anyare dito? "Si Adah po kase... unang una crush ko siya hehe."


Muling nagtawanan ang karamihan sa sagot niya. May ilan ding nanukso pa! Mapababae man o lalaki.


"Bagong loveteam! Woooh!"

"Hoy crush ko din 'yan!"

"Bagay sila! Ayieee!"


Letsugas!


"Tapos..." Nag isip pa niyang sabi. "I used to bash Filipino music so much dahil masyadong boring sa pandinig ko. Pero nung narinig ko siyang kumanta ng OPM, sobra akong bumilib sa kanya at for the first time nagandahan ako. I'm not saying na dahil 'yon sa kakaiba siyang babae. Kundi dahil sa unang pagkakataon, nagfocus akong pakinggan muna ang kabuuan ng kanta bago ito husgahan na madalas kong ginagawa noon. Well yes naattract lang talaga 'ko sa kanya nung una kaya ko pinakinggan, pero dahil sa interes ko na 'yon sa kanya, dahil sa kagustuhan kong panoorin siya, napansin at naappreciate ko rin ang kinakanta niya."


Natulala ako sa pinagsasasabi niya. Seryoso ba 'to?


That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon