Chapter 75

42 3 0
                                    

Chapter 75


School Outing


Adah


"Let's get on the bus na kaya? Ang init here outside o." Si Maggie habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay.


"Ang arte! Get used to it, Maggie. Practice palang 'yan, wala ka pa sa patutunguhan mo." Harrison.


Yup. I'm with Sophia and her friends. Today is Thursday. Sinundo kaming lahat ni Harry sa bahay at sabay sabay na pumunta rito. Now, we're currently on the school parking lot along with the other students, waiting for the teachers' instructions. They wanted us to come an hour earlier so here we are.


Sina Zeya naman nandito na rin daw pero hindi ko pa sila nakikita.


"Adah, there you are!" Robin from the Drama Club came running up to me. "I've been looking for you."


"Bakit?" Tanong ko.


"Guys let's go, pwede na raw sumakay." Nilingon ko si Sophia na kababalik lang kasama si Cindy. Mabilis siyang tinugunan ng tatlo habang ako'y nanatili sa harap ni Robin. "Adah..." Hintay niya sa'kin.


"Naku hindi kayo pwedeng magsabay e." Robin.


"What? Why?" Naguguluhang tanong ko.


"Lahat ng Drama Club members, sa isang bus lang sasakay. Utos ni Miss M." Robin.


Nagkatinginan kami ni Sophie. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Pagod sa pagpapasensya at disappointment probably.  Pero hindi naman niya kailangang mag alala. Hindi parin pumapasok hanggang ngayon si Prince. He's excused in class and in our club.


"Okay lang ba?" May pag iingat na tanong ko.


"When it comes to your club wala naman ako parating choice diba?" Mapait niyang ngiti. "Go ahead. Pupuntahan ko na sila." Tukoy niya sa mga kaibigan. "Mag ingat kayo."


"Kayo din. Ingat."


Tumango siya't tinalikuran na kami. Hay.


"Tara?" Yaya ni Robin.


Sumunod ako sa kanya kung nasaan ang bus na naka assign sa'min. Naron na ang mga kaibigan ko at ilan pa naming kamiyembro pero hindi pa sila sumasakay.


"Buti nalang nandyan si Miss M!" Salubong sa'kin nina Aian. "Akala ko dun sa mga bruha ka sasabay e."


"Immune naman na si Adah sa mga 'yon. Diba beh?" Althea.


"Sa inyo ko talaga balak sumabay. If Robin didn't call me magpapaalam naman ako kay Sophie."


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now