Chapter 3

212 11 1
                                    

Chapter 3


Stalker


Adah


"Send me a photo of you in the hospital." Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga mata. "And I want you to include the doctor or nurse as well. Mag selfie ka habang ginagamot 'yang sugat mo. O kaya magpa picture ka kung hindi mo kaya."


"I don't take pictures of myself." He chuckled as if I just told him a ridiculous joke.


"Just delete my number then!" Umamba akong kukunin ulit ang phone niya kaya mabilis niyang itinaas 'yon.


"Oo sige na sige na!" Ibinaba ko na ang kamay ko at ganun din siya. "I'll send the picture to you tomorrow."


"No. I will wait, so you have to make sure na gagawin mo ang mga sinabi ko. I will not sleep hangga't hindi ka nakakapag send ng picture. Naiintindihan mo?"


"Oo na." Halatang labag sa loob niyang sagot.


"Good. Papasok na 'ko, umalis ka na rin." Mabilis ko siyang tinalikuran.


As much as I want to go with him, masyado nang gabi at hindi na ako pwedeng magtagal pa. Sobra na ang nagamit kong oras ngayong araw sa pagliliwaliw. Ayaw ko namang abusuhin ang binigay na tiwala sa akin ni lolo na para sa araw lamang na ito. I already used it too much though.


Dali dali akong pinagbuksan ng gate ng guard nang makita akong papalapit. Nakita ko pa ang gulat sa kanyang mukha dahil siguro hindi siya sanay na umuwi ako ng ganitong oras ng gabi. Pagkapasok ay nilingon ko si Augustus sa huling pagkakataon. Nakatayo parin siya hanggang ngayon sa pwesto namin kanina't pinapanood ang bawat galaw ko.


Umirap ako at naglakad na patungo sa bahay.


Augustus... He didn't even mention his surname. 'Di bale na nga! I have to hurry. I have some research to do.


Mabilis akong tumungo sa double doors papasok at tuluy tuloy na naglakad papunta sa hagdan.


"Adah?"


Oh, shit.


Natigil ako sa paglalakad at mariing napapikit.


"Adah Alcantara, what the hell?"


Patay.


Dumilat ako at unti unting nilingon ang aking pinsan na papalapit na ngayon sa akin. I flashed an awkward smile at her kahit na hindi na maganda ang aura niya.


"Hey! Kakauwi mo lang?" I kept my smile at sinalubong ang aking pinsan.


Humalukipkip siya at tinaasan ako ng isang kilay. Marahan akong yumakap at nagbeso sa kanya.


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now