Chapter 10

141 6 0
                                    

Chapter 10


Practice


Adah


Kahit konti na lamang ang natitirang mga manonood ay napakalakas pa rin ng sigawan at palakpakan para sa kanya. Lalo na't katabi ko pa ang kanyang obsessed fan.


"Way to go hubby! Ang galing mo!" Aian.

"Prince~!"

"Akin ka nalang!"

"Asawa ko!"


Samu't sari ang sigaw ng mga studyante bilang pagsuporta kay Prince... and that will surely boost his confidence. Sana ay tuluyan na siyang magtiwala sa sarili niya.


"Wow. You sure are full of surprises, Mr. Silvestre." Tila hindi makapaniwala si Mr. Romualdez sa kanyang narinig. "I'm looking forward to seeing you with the Drama club members in the near future." Biro niya.


Prince looked down as he smiled boyishly at the teacher's remark. Sa lahat yata ng anggulo gwapo 'tong nilalang na 'to.


"Let's go?" Yaya ko sa'king mga kaibigan.


"Pero nasa harap pa si Prince. Didn't you see? He was looking at me the whole time." Aian.


Halos untugin ko ang sarili kong ulo sa sinabing 'yon ni Aian.


"Let's go. Tigilan mo na 'yang kaharutan mo Aian. Wag kang assuming!" Nauna nang tumayo si ate Ella. Kasunod niya si Aian kaya kinailangan ko pa siyang itulak dahil ayaw niya pang umalis sa kinauupuan.


"Last na! Icongratulate muna natin si Prince." Request niya.


"Pagbigyan na nga natin 'yan bago ko pa masapak." Zeya.


Inabangan namin si Prince sa baba ng stage. Inaayos niya pa ang kanyang gitara ngunit nang masulyapan kami ay dali dali niyang tinapos ang ginagawa saka na binilisang bumaba.


"Congrats Prince!" Sinalubong siya ni Aian ng yakap.


Nagulat si Prince sa ginawa niya kaya medyo naitulak niya ito.


"Ay." Ani Aian, disappointed.


"Pansensya ka na kay Aian." Paumanhin ni Thea. "Congrats pala a!"


"It's okay. Thanks." Tipid niyang sabi.


Ngayon ay bumaling na sa akin.


"Congratulations!" Maligaya kong sambit.


"Thank you." Ngiti niyang muli na mukhang napapadalas yata. He was about to speak further when someone interrupted by calling his name.


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now