Chapter 12

119 4 0
                                    

Chapter 12


His Side


Prince


"Kuya pogi bili ka na po." Nilingon ko ang batang lalaking kumalabit sa akin. Hawak niya ang isang tray kung saan nakalagay ang mga paninda niyang rosary bracelets and necklaces.


Sa aming harapan ay ang malaking Holy Rosary Parish Church ng Angeles City. Kumuha ako ng isa at inobserbahan ito kahit hindi naman ito naiiba sa mga karaniwang itinitinda sa mga simbahan.


"Magkano?" walang gana kong tanong.


"Trenta lang kuya. Nakabless po 'yan!" aniya.


Inihagis ko pabalik ang bracelet saka inilabas ang wallet mula sa bulsa ko sa likod. I was about to open it and get the money when a girl suddenly screamed nearby, grabbing my attention.


It seems like the girl who only exists in my dreams materialized the moment my eyes landed on her. Ang ganda ganda niya. Her slim figure and milky white, delicate skin makes me want to protect her. Her eyes, very cute narrow nose, and perfectly thin heart-shaped lips harmoniously blend all together. I really like what I'm seeing.


"Lolo!" tawag niya sa matandang malapit sa bukana ng simbahan. Ngunit mukhang hindi siya narinig nito sapagkat patuloy parin ito sa pakikipag usap sa isang kakilala.


Tinignan kong muli ang babae. Mahigpit ang kanyang hawak sa manipis at mahabang strap ng suot niyang handbag, napapaligiran ng mga batang nanlilimos at tila ba takot na takot.


"Sandali lang," sabi ko sa batang kaharap ko.


Lumapit ako sa kinaroroonan ng babae. Bahagya kong itinulak ang batang lalaki na nakahawak sa kanyang damit at humarang din ako sa kanyang harapan at pinaalis ang tatlo pang nanggugulo.


"Alis! Bubugbugin ko kayo!" pananakot ko.


Halos matawa ako sa kanilang mga takot na ekspresyon bago sila nagtakbuhan paalis. Tsk.


Hinarap ko ang babae. "T-Thank you," nakayuko at takot niyang sabi.


"Umalis na sila, wag ka nang matakot." Ang kaniyang dalawang kamay ay mahigpit pa rin ang hawak sa strap ng kanyang handbag.


"Kuya pogi!" Lumapit sa amin ang batang nagtitinda kanina.


Oo nga pala.


Kinuha kong muli ang wallet ko ngunit natigilan nang biglang dumikit ang katawan ng babae sa aking kaliwang tigiliran at saka kumapit sa damit ko. Naramdaman ko ang medyo panginginig niya. Kasabay nito ang pagtindig din ng balahibo ko at marahas na pagpintig ng aking puso.


Sandali akong natigilan. Ano 'to?


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now