Chapter 5

174 13 2
                                    

Chapter 5


Manners


Adah


"My name's Prince Silvestre. I'm into music and movies. That's all." Brylle read.


That's all? Really? Mabuti at nag abala pa siyang magsulat?


Pero in fairness, I'm into music and movies too. Looks like we have something in common Mr. Prince Silvestre.


"May gusto ka pa bang idagdag mister? Looking at your classmates right now, they seem to be very interested in you." Sir Paul.


"Just ask." Aniya kaya nag unahan na sa pagtatanong ang aming mga kaklase, particularly, the girls.


"Kumakanta ka ba? Pwede pa sample?" Tanong nung isa.


"Sorry, I can't." Malamig niyang sagot.


Sayang naman. I want to hear him sing too.


"It's okay, Prince." He refused her request pero magiliw parin 'yong tinanggap ng babae. Hmm.


"Crush kita, alam mo ba 'yon?"

"Bakit sobrang gwapo mo?"

"Kailan mo 'ko liligawan?

"Saan mo 'ko dadalhin sa first date natin?"


Nang marinig nila ang pagsagot niya ay nagkasabay sabay na sila sa pagtatanong, nangangambang magsasawa kaagad siya na sumagot kaya nag uunahan na sila bago pa mangyari 'yon. Ang ending, pare pareho silang nadismaya dahil natahimik na lamang ang gwapong nilalang sa tabi ko, hindi na alam kung sino ang pagbibigyan ng kanyang atensyon.


"That's enough." Pigil ni Sir Paul sa mga studyante. "I gave you a chance... you blew it. Alam niyo namang sobrang ilap niyan. Wala, alam niyang gwapo siya e." Tawa niya. Wala na silang nagawa kundi manghinayang. "Now let's hear Brylle's question."


Noon na lamang muling natahimik ang klase upang marinig ang tanong ni Brylle.


"I've known you for years but I've never seen you entertain any of your admirers. Si Pia... kahit konti lang ba wala talaga?" Brylle.


Tiningala ko si Prince. Admirers, huh?


Bumuntong hininga siya't dinilaan ang kanyang pang ibabang labi na para bang sawa na siya sa topic na 'yon. "I've said this multiple times and I'm gonna say it again. Hindi ako interesado." Kalmado at tamad niyang paliwanag.


"Seriously?" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Brylle bago bumaling sa aming guro. "Okay na Sir."


"Okay, next. Mr. Silvestre, who is the lucky person?" Sir Paul.


That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now