Chapter 77

29 0 0
                                    

Chapter 77


School Outing


Adah


"Here." Inilapag ko sa harapan niya ang maliit na paper bag kung nasaan ang gift ko sa kanya. "Sana magustuhan mo."


"Thanks. But I can't give you yours yet, dadalhin palang nila dito in a few minutes. Okay lang ba?" Prince.


What? Why? Walang kaso sa'kin ang maghintay pero bakit? I really hope it's not grand dahil hindi niya naman kailangang mag effort sa friendship thingy na 'to.


"Of course! You can open yours first."


Kinuha niya sa maliit na paper bag ang maliit ding kahon. Odiba keychain lang, andami pang arte. Para chuchal.


Pagbukas niya ng box ay medyo nagulat siya sa nakita. Pero pagkatapos ng ilang segundong pagkakatitig niya rito ay napangiti siya! Yung ngiting litaw ang dimple! Tapos pailalim niya pa 'kong sinulyapan! Enebe!


"This is... cute. Pink." Walang emosyon siyang tumango sa akin pero alam ko na pinipigilan niya lang ang sarili niyang magreact. Dinampot niya ang keychain mula sa box at inilapit ito sa mukha niya upang basahin ang quote na nakasulat sa bilog. "And I'm... a sun of a beach. Yea," Muli niyang 'kong tinanguan. "I am. Thank you. I appreciate it."


Iniwasan ko ang tingin niya at hindi na rin naiwasang mapangiti. Why is he so adorable?! Para siyang robot na tanggap lang nang tanggap, mabuti man o insulto, basta magpapasalamat parin siya.


"Did you like it?" Tanong ko.


"Yea. It's cute. Thank you." Parang sapilitang umangat ang gilid ng labi niya para lang mabigyan ako ng maayos na reaksyon.


"Sir Prince?" Sabay kami ni Prince na tiningala ang babaeng nagsalita na nasa gilid na pala namin. "Heto na po ang binili niyo." Inilapag niya sa mesa namin ang maliit na paper bag din, sinlaki nung binigay ko kay Prince.


"Okay na ba?" Prince.


"Opo sir." Napansin ko ang gestures at body language ng babae. And it's not hard to figure out she's acting all flirty with Prince. "May iba ka pa bang kailangan? Kung may nakalimutan kang bilhin, pwedeng ako nalang ang magdala dito ulit."


What the hell?


"Wala na. Thanks." Prince.


"You're welcome... Prince. Uhm, do you still remember my name? I'm Kim. If ever na bumalik ka sa shop, you can always look for me para ako nalang ulit ang mag assist sa'yo."


"I will. Thank you." Tipid na ngiti ni Prince sa babae.


This is so...


"Uh... is this your gift for me?" Hinablot ko ang paper bag sa mesa dahilan para maputol ang tinginan nila't mapunta sa'kin ang atensyon. "Thank you so much, Prince, happy monthsary!"

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now