Chapter 73

37 2 0
                                    

Chapter 73


Try


Adah


"Hi, guys. Hi Zeya!" Malaki ang ngiti ni Ford nang sinalubong kami papuntang rehearsal studio biyernes ng linggong 'yon. "Pwede ba 'kong sumabay sa inyo?"


"Para pupunta lang ng studio e. Edi sumabay ka." Sambit ni Zendaya na mas ikinagalak ni Ford. "Nasan ba'ng mga kaibigan mo?"


"Well, Travis is with his girlfriend while Prince..." Mabilis niya 'kong sinulyapan. "...didn't come to school today."


"Bakit daw? Ngayon na ang read-through, hindi ba siya aattend?" Genella.


"Baka hindi na e." Ford. 


"Hindi na? Linawin mo nga! Hindi naman siguro siya magbaback out sa role ano? Kase kung aatras siya... si Kurt ang magiging Florante mo, Adah." Althea.


"No, it's not like that hahaha! Ngayon lang naman. Aattend na yun sa next rehearsal, don't worry." Ford.


"Mabuti naman." Zeya nodded like a boss.


"Baket?" Ford.


"Anung baket?" Zendaya.


"Bakit mabuti na aattend na si Prince sa next rehearsal para sa'yo?" Ford.


"Ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi ba dapat pabor sa'yo 'yon dahil kaibigan mo siya?" Zendaya.


"Oo nga pero hindi mo na dapat siya inaalala." Ford.


Ano ba 'tong mga 'to -_-


Blangko lang siyang tinitigan ni Zeya.


"Tara na." Inakbayan niya 'ko nang makabawi at sabay sabay naming tinahak ang daan papuntang studio.


Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung nangyaring kaguluhan sa auditorium.


Dalawang araw na rin ang nakalilipas simula nung gabing 'yon. And ever since then, hindi pa siya ulit nagpapakita. He looked okay when he left tho. Yea, I'm thinking about Augustus. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko!


Ang sabi niya sa'kin walang magbabago? E bakit hindi na siya nagpaparamdam? No texts, no phone calls! I tried to check my DMs kaso wala rin! Naalala ko tuloy ang sinabi niya...


'Baka hindi pa ito ang tamang panahon para sa'tin. Siguro balang araw...'


What if ulitin niya ang ginawa niya noon? Hindi na naman siya magpakita ng matagal na panahon? Ano 'yon? Babalik lang siya para sumubok at kapag hindi parin pwede, aalis na naman?

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now