Chapter 85

34 0 0
                                    

Chapter 85


Hate


Adah


Monday morning.


"Where is your cousin?" Lolo asked when he noticed na wala si Sophie sa hapagkainan.


"Sumabay na siya kanina papasok ng school kay ate Dian, lo." Sagot ni kuya saka ako sinulyapan. He knows there's something wrong.


"Does she have something important to attend to? Ang aga niya namang umalis?" Lolo.


"I think it's more like, she didn't want to attend to 'something' kaya nauna na siyang umalis." He smirked.


"And what is that something?" Nalilitong tanong ni lolo.


I sent Dylan a death glare. Subukan mo lang!


"Hindi ko alam, lo e, nanghuhula lang talaga 'ko haha!" Dylan.


Napailing ako sa kabalastugan niya. Lahat kasi napapansin e! Palibhasa wala siyang magawa sa buhay kaya pati issue namin ni Sophie nakikita niya! Kalalaking tao napaka chismoso!


Hindi parin kasi ako kinakausap ng pinsan ko hanggang ngayon. I tried to approach her multiple times but it's hopeless at the moment.


"Give her some time. Hindi ka rin matitiis ni Sophia, kahit bruhilda ang pinsan mo, mahal na mahal ka parin non." Zendaya.


Kasalukuyan kaming naglalunch sa cafeteria. Ang ayos ayos ng kain namin nung nag ingay ang mga studyante, particularly girls. I have no idea what they're all giggling about pero nang biglang tumahimik ang paligid at tumingin ang mga kaibigan ko sa aking likuran... alam na.


Tumayo ako't hinarap si Prince. Nasa likod niya sina Ford at Travis. He's holding a bouquet of roses and a box of chocolates. Like a normal person. Like what a normal suitor would do when courting someone. Matapos ang lahat ng kaabnormalang ginawa niya, ngayon niya pa naisipang magpakatao. Kung kailan nasira niya na lahat.


"He's courting her?"

"Oh my gosh, Prince is so sweet."

"Sila na ba?"

"I thought magkaaway sila?"

"Ano ba 'yan, bakit bagay sila?"


"Hi." Ngiti niya na kala mo napakabuti niyang tao. "For you."


"Anong pakulo na naman 'to?" Sulyap ko sa mga dala niya.


"Payagan mo 'kong manligaw." He said gently.


Narinig kong nagsinghapan ang marami. May mga kinilig, natuwa, nanghinayang, disappointed, at ang iba wala lang.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now