Chapter 86

30 0 0
                                    

Chapter 86


New


Adah


"Wow, Clarise! Sobrang aga mo ngayon a? Excited masyado?" Jason immediately noticed Clarise the moment she got inside the auditorium.


Dito daw kami ngayon sabi ni Miss M habang ang iba naman, mostly mga officers ay nasa studio, may inaasikaso at kasama na don si Ate Ella.


Tapos wala kaming last subject kaya napaaga ang pagpunta namin dito. While Clarise, halos kasabay niya lang lagi si Miss M kapag dumadating. Kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit nakakaagaw atensyon ang pagiging maaga niya ngayon.


"Of course! Bakit naman hindi? I am Laura, and Prince is my Florante." Mabilis siyang sumulyap sa gawi namin na may mapagmalaking ngiti. "I already have everything!" She laughed.


"Bruha," Bulong ni Zeya sa harapan ko. We're sitting on the left side part of the stage malapit sa center, just hangin' out. Yung iba nagkalat lang din sa buong auditorium, doing their own things.


"Sus! Sabihin mo 'yan kapag nandito na si Prince. Nag walk out nga siya last rehearsal e, kaya masyado pang maaga para magdiwang, hintayin mo munang dumating hahaha!" Charles.


Inirapan siya ni Clarise at ngayon ay umakyat siya rito upang balingan si Kurt na nasa downstage naman. Nakahilig siya sa prop na punong naroon, nakapikit habang nakikinig ng music. Nilapitan niya ito at walang pasubaling inalis ang suot niyang headphone. Kurt opened his eyes and looked at her with irritation.


"I just want to tell you I'm sorry." She said to him with overflowing arrogance.


"For what?" Inis na inagaw ni Kurt ang headphones niya sa kamay ni Clarise.


"Cause I'm not your partner anymore. Alam ko naman na nasanay ka nang ako parati ang kasama mo. But I think it's time na rin for me to try something new kaya hindi ko na tinanggihan ang offer na lead role ni Miss M. Plus, who would dare resist Prince Silvestre, right?" Clarise.


"Who would dare? She's right beside me, miss second rate trying hard Laura understudy!" Nakangiwing sabi ni Thea, almost spitting every word of it.


Mahina silang nagtawanan. Ngumisi't napailing nalang ako.


"Yun lang ba?" Kurt responded to Clarise like he don't even care at all.


"Yes, that's pretty much it." Clarise.


Kurt let out a deep breath and wore his headphones again, sanay na sa ugali ni Clarise. She then started walking towards us, her eyes already tells me I'm the next target.


"Ano ba 'yan, nauuhaw ako, bili nga muna tayo, Adah!" Aian tried to pull me up pero itinulak ni Clarise ang balikat ko pababa to keep me from standing.

That Villain Is My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon