Chapter 64

43 1 0
                                    

Chapter 64


Adolfo


Adah


"Miss M! Pwede may props?" Si Travis katulong si Ford paakyat ng stage na may bitbit na puno. Pero siyempre yung fake lang. Natawa ang mga manonood sa kanila.


Tinignan ko ang reaksyon ni Prince and he looks so done with his friends! Hahahaha ang cute niya!


"Look at Prince o, nahihiya siya. He's so cute!" Nawala ang ngiti ko nang marinig ang kung sino mang babaeng bumulong na 'yon.


Kung sino man siya... 'wag ka lang papakita saken.


"Go ahead." Miss M responded amusingly.


Walang nagawa si Prince kung hindi hayaan ang mga kaibigan niyang iset up ang prop na puno sa gitna. Pagkatapos ay saka sila naglabas ng lubid at pilit siyang itinali ron!


Sa sarkastikong ngiting ibinibigay niya sa mga kaibigan ay halu halo na ang nakikita kong emosyon. Inis, pagtitimpi, hiya, kagustuhang manapak, lahat lahat na!


"I can't see--" Sinensyas ni Prince ang hawak niyang papel kung saan nakasulat ang mga linya ni Florante. Hindi niya ito mabasa dahil nakababa ang mga kamay niyang nakatali na rin.


"Memoryado mo na 'yan! Akina." Hinablot ni Ford ang papel.


Tinapos nila ng mabilis ang ginagawa saka iniwan si Prince mag isa sa malawak na entablado, na mukhang ngayon palang ay sising sisi na. Napangisi ako.


"You have very supportive friends, Mr. Silvestre." Napipilitang ngumiti si Prince saka pinadalhan ng nakamamatay na tingin sina Ford at Travis. "You may start whenever you're ready."


Bumuntong hininga siya na tila pinapakalma ang sarili. Saka siya yumuko at pumikit na magkasalubong ang kilay. He's probably trying to get into his character.


"Wooh, pinsan ko 'yan! Ang galeng!"

"Gago wala pa. Epal!"


Nilingon ko ang lalaking sumigaw. It's Jhustin Silvestre kasama ang mga kaibigan niya, hindi kalayuan sa amin.


"Are they normally this supportive?" Natatawang tanong ko.


"Hinde." Thea chuckled. "Miyembro din sila kaya sila nandito. Wag mo nalang pansinin, puro kalokohan lang nasa utak ng mga yan."


"Nag audition din ba sila?" Muling tanong ko.


Mga artistahin din kasi ang hitsura. Kaya hindi na 'ko magtataka kung magiging kakompetensya sila ni Prince pagdating sa ganitong larangan kahit pa magkakaibigan sila.


"Hindi rin. Umaarte din naman sila paminsan, but they're more on dancing and singing than acting." Tumango tango ako kay Thea.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now