Chapter 68

38 1 0
                                    

Chapter 68


Tipo


Adah


Pagkatapos ng nangyari ay tamihik kaming kumain. Ngunit nang naglalakad na kami pabalik sa classroom ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.


"What is it with Prince?"


"Ha?" Althea.


"Anong ibig sabihin ni Shanicka kanina?"


"Shanicka...?" Zeya.


Hindi nga pala nila alam ang pangalan niya.


"'Yong babae kanina. Her name is Shanicka. She said something about how it works with Prince. Anong ibig niyang sabihin?"


"Ah." Aian. "'Wag mong masyadong isipin 'yon. Masyado lang nilang binibig deal, palibhasa hindi sila makalapit ng basta basta kay Prince."


"What do you mean?"


"Naaalala mo ba nung una kang pumasok dito?" Ate Ella. "If you've noticed, Prince seems like this... untouchable guy?" Tumango ako, naiintindihan ang punto niya. "Malayo sa tao, medyo intimidating ang aura, hindi palasalita... misteryoso ganon. He's always been like that and no one ever dares to break that invisible wall around him. Well, except for his friends and family, of course."


"Yea... he's literally 'The untouchable Prince' hahaha." Aian.


"The greenhouse, I'm sure you know?" Genella.


"Oo naman, doon kami parating nagpapractice non." At don na rin siguro ko nahulog ng sobra sobra sa kanya, dahil sa dalas naming tumambay magkasama sa lugar na 'yon.


"Tito niya ang nagpagawa non para lang sa kanya. He's an introvert, you see? He prefers to be alone most of the time, at sina Ford at Travis lang ang mga kaibigan niya. Madalang mo siyang makikita na pagala gala sa school kase madalas, nakakulong lang siya sa greenhouse. Noon palang, sinabihan na ng Director ang mga estudyante na 'wag masyadong gambalain si Prince dahil hindi siya komportableng makihalubilo sa tao. Pero kahit may sarili siyang mundo, mabait naman siya sa mga estudyante, lalo na sa mga taong humahanga at rumerespeto sa personal space niya." Genella.


Sa sinabi niya ay may bigla akong naalala.


"Not so long ago, naikwento sa'kin ni Sophie na minsan niyang dineclare sa lahat na boyfriend niya si Prince..."


"Ah! Oo naaalala ko." Althea. "First day of school 'yon, naabutan ng mga estudyante sina Prince, Ford at Travis na naglalaro ng basketball kaya ayon, pinagkaguluhan sila ng newbies. To the point na sinusundan na nila si Prince hanggang sa classroom, ayaw nilang tantanan. Kaya 'yang pinsan mo, oportunista, kunwari daw binakuran niya si Prince para tigilan na nila, pero alam naman nating lahat kung ano talaga ang intensyon niya."

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now