Chapter 57

64 2 0
                                    

Chapter 57


Lipstick


Adah


I was caught off guard by his sudden confession. Alam ko naman na noon palang ay nagpapahiwatig na siya pero kadalasan ay pabiro niyang sinasabi 'yon. If I'm not mistaken, this is the first time he declared his feelings to me this serious.


I honestly don't know what to do.


"At isa pa..." He continued lightly nang mapansin niya siguro ang pagkailang ko. "I'm not a person without God. I have beliefs and one of them is that KILLING is EVIL. Masyado 'kong gwapo para mapunta sa impyerno at mas lalong masyado kong mahal ang Diyos para gawin ang ganong bagay."


Hearing him say that... kahit gaano pa kayabang ang pinili niyang paraan ng pagsasabi, he seems to be God-fearing. Natuwa naman ako.


"Good." Sagot ko, binalewala ang mga nauna niyang sinabi. Ayoko munang problemahin ang bagay na 'yon sa ngayon. "I just don't wanna see you in jail as well." I avoided eye contact.


I'm being sincere and I don't know why it makes me feel awkward! Nakakainis na concern ako sa kanya pero hindi ko ito maiparating ng maayos. Nasanay kasi ako na iniirita niya 'ko parati kaya ngayon ay wala akong ideya kung paano umaktong mabait sa harapan niya!


"Tara na nga!" He stated ngunit hindi ko na nakuha ang sunod niyang sinabi dahil pabulong lamang ito. "Baka kung ano pang magawa ko sa sobrang kacute-an mo."


He held my hand then pulled me until we've reached the other side of the road, abandoning the car he stole from the guys completely. I'd seriously think of this as a romantic moment if we weren't crossing the road illegally. See? Pati paglipat ng daan ilegal din samantalang sobrang lapit lang namin sa pedestrian lane! Jaywalking.


"Welcome to the most vibrant night place of the city." From glancing up at the huge signage above, bumaba ang kanyang mga mata sa akin at ramdam ko nang sa tingin at ngisi niyang 'yon ay may kalokohan na naman siyang binabalak.


Nasa bungad palang kami ay nakikita ko na ang mga makukulay na ilaw na nanggagaling sa sunod sunod na mga establisyemento sa walking street na ito. Mostly bars, then few hotels and restaurants. What the heck are we doing here?


Nagsimula siyang maglakad papasok ng lugar kaya wala akong nagawa kundi magpatianod sapagkat hawak niya parin ang kamay ko. Sinubukan ko itong hilahin ngunit nang magawa ko'y mabilis niya itong hinabol at mas mahigpit pang hinawakan.


"Ano ba?"


"Ano?" Nilingon niya 'ko.


"Bitaw na,"


Sinubukan ko muling bumitaw pero pinipigilan niya!


"Hindi pwede. Baka tuluyan akong maging kriminal kapag bigla ka nalang nawala sa tabi ko." Augustus.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now