Chapter 82

40 1 0
                                    

Chapter 82


School Outing


Adah


"Sigurado ka magaling ka na a?"


"Oo nga. Diba sinabi ko naman sa'yo? 'Pag nagkita tayo ulit, hindi mo mababakas na nagkasakit ako. Kita mo ngayon? Ang gwapo ko diba!" Lahad niya ng kanyang sarili sa akin.


Nasa tabi kami ngayon ng motorsiklo niya. Plano niya talagang mag midnight stroll.


"Ganon? 'Wag ka nang magkakasakit ulit a? Di mo bagay e, nagmumukha kang kalansay." Kinuha ko ang helmet na hawak niya saka isinuot 'yon. "Let's go." Tapik ko sa kanyang balikat at nauna nang sumakay sa motor. Sa upuan ng nagmamaneho.


Nakaawang ang bibig niya 'kong nginisian. "So you think you're tough now?" Sinenyasan ko lang siyang sumakay na sa likod ko. Siya ang umangkas. "Kaya mo ba?"


"Nand'yan ka naman e."


Lumaki lalo ang ngisi niya sa sagot ko. Sa huli ay sumakay din siya. Kung kanina ay ang lakas ng loob ko, ngayon nama'y sobra 'kong naasiwa dahil ipinulupot niya lang naman ang dalawang braso niya sa bewang ko! Hindi lang 'yon! Dikit na dikit ang katawan niya sa aking likuran at ang mukha niya naman ay halos isubsob niya na sa leeg ko!


"I'm ready." Augustus.


"Ano ba 'yan lumayo ka nga!" I pushed his head away with my shoulder. "Para kang linta kung dumikit!"


Lumayo siya ng konti at niluwagan ang kapit sa bewang ko. "Did you feel me sucking your neck?"


"What?!" Marahas ko siyang nilingon.


"Hindi diba? Kaya hindi ako linta. At tsaka pambabae 'yon!" Augustus.


"Diba sabi ko para kang linta KUNG DUMIKIT. Gets mo? Pero kung ayaw mo parin, tuko ka nalang sige! Ang mahalaga ay alam mong animales ka!"


Nakasimangot niyang sinuot ang kanyang sariling helmet. Pagkatapos ng mga walang kwentang pagtatalo ay siya rin ang nagpaandar ng motorsiklo. Ako parin naman ang nasa harapan pero siya ang nagmamaneho.


Hindi ko nalang pinansin ang pagdikit niya dahil nag eenjoy ako masyado. Lumabas kami ng resort at unang pumunta sa isang malapit na tea shop.


Umupo si Augustus sa harapan ko dala ang orders namin. "Last night... Prince had a mental breakdown." He was in the middle of putting my drink on my side of the table but he stopped on his tracks when he heard what I just said.


"Really..." I guess it was supposed to be a question but it didn't sound like it.


"Yes. Is everything okay?"


Tuluyan niyang nilapag ang order ko saka na umupo ng maayos. "To be honest... last night was a mess." He smiled sadly. "Nung bumalik ba si Prince kanina dito, hindi parin siya mukhang okay?"

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now