Chapter 61

56 2 0
                                    

Chapter 61


Tadhana


Adah


"Can you tell me something about him?" Augustus.


Gulat at nagtataka ko siyang nilingon matapos ng ilang sandaling katahimikan.


"Him?" Tanong ko kahit parang alam ko na naman kung sino ang tinutukoy niya.


"What did he do to you at bakit grabe nalang kung masaktan ka dahil sa kanya?" Nanatili akong gulat na nakatitig sa kanya nang magpasya siyang lingunin na rin ako. "I know your heart is still broken, Adah."


Napalunok ako't nag iwas ng tingin. The last time we saw each other, I cried miserably in his arms.


Tch. Kagabi nga lang pala 'yon. Pero bakit parang antagal na?


"Natural. Do you expect me to move on only a day after?"


"Sungit! Ganyan ba talaga 'pag broken hearted ang isang tao? Nagbabago?" Augustus.


"Anong nagbabago? E dati naman nang ganito ang pakikitungo ko sa'yo a?" Kunot ang noo kong kwestyon sa kanya.


"Ganon ba? Oo nga pala. Akala ko kase sweet tayo, hehe." Augustus.


What the--!


"Gago ka talaga 'no?" Turo ko sa kanya, halos hindi makapaniwala.


"Minumura mo na naman ako! Mahal nga 'ko sabi! Mahalin mo--"


"Shut up!" Nanggigigil akong bumunot ng damo at muling ibinato sa kanya. "Nakakarindi ka alam mo yun?!"


"E kung sinasagot mo nalang ang mga tanong ko, edi sana nananahimik ako ngayon?" Augustus.


"Ano ba kasi 'yang tanong mo?!"


"Bakit nasasaktan ka parin dahil sa kanya? Diba dapat nagmu move on ka na?!" Augustus.


Kaya ko namang sakyan ang seryosong usapan e. Kaso napaka engot ng tanong niya!


"Akala ko pa naman matalino ka." Kunwari'y nanghihinayang kong sabi. "Kita mong kakaiyak ko lang kagabi diba? Anong akala mo sa feelings ko? Ganon kababaw na sa isang utos ko lang makakaget over?"


"Tsk. Ang ibig kong sabihin, dapat tigilan mo na ang pag iisip sa kanya! E bakit pakiramdam ko kahit magkasama tayo, siya parin ang nakikinabang sa oras mo?" Aniya, tunog nagrereklamo.


"Deserve niya naman e." Seryosong sambit ko. Ramdam ko namang natigilan siya. "Kahit sa isip ko lang. Kahit hindi ko na maparamdam..."

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now