Chapter 30

48 3 0
                                    

Chapter 30


Gus-to the next level


Adah


"Now we welcome you... to our very own, Elysium University's Buwan ng Wika!" I heard the emcee started.


The theme has something to do with loving our language just like how we love the person whom God destined for us. Saktong sakto sa deal namin ni Prince. Tingin ko ay puro OPM love songs ang maririnig ko ngayong buong araw sa school, which is really great. I love listening to them!


Kararating lamang namin sa backstage upang maghanda na. I'm with Sophia na inaayusan ako ngayon while Zendaya's busy taking our pictures. It's not really needed pero dahil pangarap niya ang maging photographer ay kinareer niya na ang event na 'to kaya hinayaan ko nalang. Makikinabang din naman ako e. Ehehe.


"Couz', it's a singing contest, not a pageant. Okay na 'yan." Sabi ko nang umamba siyang lalagyan ako ng make up sa aking talukap. I prefer fresh and natural look just like this.


"You sure? Sometimes, it's alright if you show off and magpamukha na ikaw ang pinaka maganda sa kanila." Sophia.


"This is fine." I chuckled while looking at the mirror in front.


"Ang ganda ganda mo Adah. You are the most beautiful in here." Bulong ni Zeya upang hindi marinig ng ibang niririto.


"Baka nakakalimutan mong nandito rin kayo ni Sophie?" I whispered playfully. She laughed. "We all are." Ngiti ko.


"Lalabas muna 'ko. It's suffocating in here. Do you need anything? Food, water, or what..." Maarteng tanong ni Sophia habang tinitignan ang paligid kung saan nagkalat ang mga contestants. The backstage is wide though kaya hindi naman crowded. Sadyang maarte lang 'tong pinsan ko.


"Nope. I'm good. Thanks couz'."


"Okay, good." Aniya bago minataan si Zeya na kaharapan niya ngayon. "Watch my cousin while I'm out, Enoviso." Hindi niya na hinintay sumagot si Zendaya at naglakad na siya palabas.


"Okay. I will, Alcantara." Sagot naman ng kaibigan ko gamit ang tono ni Sophia kanina kahit hindi na siya naririnig nito.


Nagkatinginan kami bago humagalpak ng tawa. Oh, these two! My girls are too formal with each other.


Pero bago ang lahat, sinilip ko ang pintuan kung wala na si Sophie. Nang makumpirmang wala na nga siya ay dali dali kong kinuha ang phone ko sa palda. We'll sing in school uniforms, by the way. Mabuti na nga lang para hindi na masyadong hassle.


I opened my phone at unang sumalubong sa akin ang wallpaper na inilagay ni Prince. In this photo, nakapulupot ang braso niya sa leeg ko. The side of my head leaning against his cheek and both of our eyes closed while smiling. Sa totoo lang ay ang photo na naka pout kami sa isa't isa ang isinet niya, pero pinapalitan ko dahil baka lagyan pa ng malisya ng mga kaibigan ko kapag 'yon ang nakita nila.

That Villain Is My PrinceWhere stories live. Discover now