Kahit na high school pa lamang ako noon at nasa college na sya... sigurado akong mahal ko sya.

Sya lang ang lalakeng gusto ko at pinangarap ko.

"..."

"Bakit hindi ka pa umuwi at kausapin ang asawa mo?"

Hindi nya ginusto ang nangyari sa amin noon dahil nasa ilalim sya ng alak kaya't wala sa loob nya ang lahat.

Mabait sya sa akin pero alam kong hindi nya ako magugustuhan hangga't maayos sila ng girlfriend nya. Magiging kapatid ang tingin nya sa akin habangbuhay.

Kaya't sinabi ko noon kay Ate Solar na may nangyari sa amin ng boyfriend nya at posibleng buntis ako.

Kahit mahal na mahal nya rin si Leedo, kaagad nya itong hiniwalayan at sinabi ditong panagutan ang nangyari sa amin dahil nasa high school palang ako.

Pero hindi ako ang nagkaanak... kundi si Ate Solar.

Ilang buwan na rin syang buntis.

At nang malaman iyon ni Leedo ay naikasal na kami. Kaya ganoon na lamang ang takot kong bumalik sya kay Ate Solar at iwan nya ako. Lalo na at nawala ang ipinagbubuntis ko, maraming dahilan si Leedo para iwananan ako kahit na kasal kami.

Alam kong mahal nya parin si Ate Solar... lalo na at anak nya ang dinadala nito... pero mahal ko rin sya kaya't hindi ako nakaramdam ng guilt nang ikasal kami. Kahit kapalit noon ay hindi na ako nakatapos pa sa pag-aaral.

Sa madaling salita, ako ang sumira ng relasyon nilang dalawa. Kaya wala akong karapatang magreklamo.

"..."

"Anong sasabihin ko sa kanya?"

Na ako ang pinakasalan nya, ako ang asawa nya kaya sa akin lamang sya...kahit na hindi ko sya mabigyan ng anak?

"Yang Henna---o Kim Henna, kahit na may nakaraan sila ni Solar, hindi iyon dahilan para hayaan mo sila. Ikaw ang asawa. Ikaw ang pinakasalan. Ikaw ang kasama ni Leedo sa lahat."

"..."

"...Pero may anak sila." -Ako.

"Edi bigyan mo rin ng anak yang asawa mo. Easy."

Sino bang ayaw ng sariling anak? Napakamalas ko naman ngayong araw. Isang napakasamang balita ang narinig ko, at isang napakasamang pangyayari ang nakita ko.

Ito na ba ang kapalit ng lahat ng kagagahan ko?

"O bakit nandito ka? Magbubukas na maya-maya. Umuwi ka na."

Isang babaeng naka-grey oversized hoodie ang kausap ni Yonghoon sa likuran ko. Nakasuot ito ng pares ng puting high-cut converse. Kulay purple ang ibabang bahagi ng kanyang buhok.

"At jacket ko po yang suot mo." -Isinukbit ni Yonghoon ang hood sa babae nang lumapit ito sa amin.

"Tutugtog kayo nila Myeong, diba, Kuya? Sabi nya kasi pumunta daw ako e."

Ang kapatid nyang bunso iyon na kung hindi ako nagkakamali ay first year college ngayon sa Dongguk.

"Myeong Myeong-in kong mukha mo, si Cya nanaman ang puntirya mo, ano?"

"Hoy, Jin Saga, hindi ikaw ang type ng bata kong yon, kaya sumuko ka na." -Magkasunod na batos ni Yonghoon sa kapatid nya.

"Aishh---Ya! Aray ko buhok ko naman! Hirap na hirap akong plantsahin yan binuhaghag mo lang?! Aishht."

Hindi parin sya nagbabago, mahilig paring mang-asar, pero kung hindi ko pa naman alam ay paraan nya iyon ng paglalambing. Saga ang pangalan ng batang ito dahil sya lamang ang nag-iisang Sagittarius sa kanilang pamilya. Dahil si Yonghoon at ang tatay at nanay nila ay kapwa Leo.

Si Yonghoon ang nag-pangalan ng Saga sa kanya dahil si Yonghoon rin ang humingi ng kapatid sa kanyang magulang noon. Kaya't heto at nagiging OA nanaman sya sa kapo-protekta sa babaeng kapatid.

Ang napag-uusapan nilang sina DongMyeong at Cya ay parehong kasama ni Yonghoon sa banda. High school pa lamang ako ay miyembro na sila ng Regulus kahit na mas bata sila kay Yonghoon at high school pa lamang din noon. Hanggang ngayon, sila paring lima nila Harin at Kanghyun ang nasa grupo at miyembro ng local band na iyon.

"O, hindi mo ba sasagutin yan?"

Inginuso sa akin ng lalake ang nagba-vibrate kong handphone sa mesa. Ang asawa ko iyon. Kao-on ko lamang ulit ng phone at tumatawag na sya kaagad.

"Kim Henna, nasaan ka ba? Nanggaling na ako sa clinic, galing na kong supermarket, kay papa at kay Woong , hindi kita makita. Nababaliw na ako, bakit nakapatay ang phone mo?!"

S-si Leedo.

Nag-aalala na sya sa akin. Napaka-iresponsable ko talaga. Pa-dalos dalos ako palagi ng iniisip at ginagawa.

"A-ah..."

"Anong ah? Please... Mahal. Nasaan ka ba, susunduin kita."

M-Mahal? Tinawag nya akong mahal? Madalas kasi ako ang tumatawag sa kanya non. Kilala ko sya, kahit na naiinis sya sa akin ay hindi nya ako kokomprontahin ng hindi ako kaharap. Malaki ang respeto ko sa kanya at ganoon rin sya sa akin.

"N-nasa...nasa Starlight."

Narinig ko ang buntong-hininga nya nang banggitin ko ang pangalan ng lugar kung nasaan ako.

"Wag kang aalis jan, nasa kotse na ako." -Hindi na ako nakasagot pa dahil ibinaba na nya ang tawag.

"Etsepwera ka nanaman, Kuya. Tumawag na si Kuya Leedo." -Ang kapatid ni Yonghoon habang nakatingin sa hawak na salamin at nagsusuklay. Nang muli nanamang guluhin ng lalake ang kanyang buhok.

"Akin na yang kamay mo, para hindi ka sitahin paglabas mo. Bago ang guard namin e."

Kinuha nya ang aking kamay at tinatakan ng seal, palatandaang nagbayad ako ng entrance, kahit hindi naman talaga. Kilala ako ng dati nilang guard pero iba na raw ngayon kaya't sisitahin ako kung walang seal na maipakita sa paglabas.

Magkaklase sila noong college. Kaya't alam ni Leedo ang panunuyo ni Yonghoon noon sa akin. At alam nilang kaibigan ko lamang sya. Dahil walang ibang laman ang utak at puso ko kung hindi ang lalakeng napangasawa ko.

Kahit na dapat ay nagagalit ako sa kanya ngayon sa pagsisinungaling nya sa akin, kusang nawala iyon nang maparinggan ko na ang boses nya.

Hindi ko kayang magalit sa kanya.

🍀

[an : hindi po ako shipper ng mamamoo at oneus. sadyang gusto-gusto ko lang sila pareho, at wala akong ibang pagbibigyan kay Leedo kundi si Solar. Though di sila bagay. Hahaha. ]

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon